Chapter Five

11 2 1
                                    

*Lei's POV* 



Kakatapos lang namin mag video call ni Baekhyun dahil nagkataong break namin parehas sa trabaho. Busy sya dahil sa recording niya para sa solo album niya. Meaning to say, matatagalan bago siya ulit makabalik dito dahil bantay sarado na naman siya ng manager niya. Wala akong ibang magawa kundi unawain siya, well to begin with this is what we signed up for. Walang label pero may usapan. At bilang isang fan, aba dapat ko lang siyang maunawaan.


Nag stretching ako bahagya sa upuan ko ng kalabatin ako ni Efer. Magkatrabaho kasi kami, si Gerri lang ang naiba dahil nurse siya. Kami ni Efer parehas na HR Admins.


"Oh kumusta? Mukhang malungkot ka ah." Sabi niya habang kumakain ng chips. Palagi nalang tong may nginangata. Sumandal ako sa swivel chair ko. Alam ni Efer ang tungkol sa amin ni Baekhyun, at todo suporta naman siya dito. Sino ba namang hindi susuporta e kalandian ko, member ng EXO.


"Oo.. medyo matatagalan kasi bago makadalaw ulit si B." Binigyan namin ng nickname si Baekhyun para hindi halata, though hindi naman lahat kilala sya, o kaya maniniwala na malapit kami sa isa't-isa mas okay na yung safe.


"Ah. Oo nga pala, busy sa recording. Tiisin mo nalang, tutal sulit naman yung one week na uwi niya dito. For sure wala na namang pahinga yang keps mo." Binato ko sya ng crumpled paper. Mabuti nalang kami lang umuokupa ng office na to. Kung hindi napahiya na ako sa pagka vulgar ng bibig ni Efer.


"Siraulo ka. Mamaya may makarinig sayo." Sabi ko sa kanya sabay bukas ng personal computer ko.


"O bakit? Ano naman? Di naman basta-bastang tao yung nananamantala ng keps mo ah. Daks na gwapo pa." Napahilamos na lang ako ng palad ko sa mukha.


"Alam mo Efer, magtrabaho na lang nga tayo. Malapit na naman ang payroll at simulan na natin ayusin tong mga to kesa magahol na naman tayo, buti sana kung napapadali trabaho natin kung pag uusapan natin sex life ko." Paninita ko sa kanya. Bigla naman syang humagalpak sa tawa.


"Ayiii. Miss mo na kashongkang si B no? Magaling ba talaga??" At ang bruha pinaslide pa talaga upuan niya palapit sa akin. Jusko pinasasakit lang niya ulo ko.


"Heh! Mag tigil Efer ha! Akala mo to walang sex life. If I know, ikaw tong walang pahinga dyan." Inirapan ko sya sinundot naman niya yung tagiliran ko.


"Syempre iba yung sayo, imported e." Sabay naman kaming natawa sa sinabi niya. Kita mo tong kaibigan ko, loka-loka talaga. Ewan ko nalang ba bakit ba naging kaibigan ko tong bruha na to.


"Imported o hindi parehas lang na ahas yon." Sagot ko sa kanya sabay tipa na sa pc ko. Isa to sa talent ko, magtrabaho habang nakikipag usap. Mas nakakapag trabaho ako pag kinakausap ako, hindi ko din alam kung bakit pero si Efer inggit na inggit sa galing kong mag multi-task siya kasi mabilis madistract. Kasing bilis niya mainlove.


"Hindi. Magkaiba yun. Syempre iba sexual experiences. Iba yung mga fetish saka fantasies. So ano na nga? How far have you gone with B?" Aba at talagang hindi ako titigilan nito. Ang alam niya lang kasi may nangyayari sa aming dalawa.

WaitWhere stories live. Discover now