Wala Akong Magawa

14 0 0
                                    

Ngayo'y kinakaharap natin ang malawakang crisis
Nilalabanan ang kalabang sadyang kay bangis
Ni bakas ng anino'y di makita kita
Walang pinipili, dahil lahat ay posibleng maging biktima

Nakakalungkot isiping marami itong ipinagdamot sa atin
Mga opportunidad, pagtitipon, hanap-buhay,  kalayaan at iba pang bagay na ating mithiin
Ngunit ang crisis na ating kasalukuyang kinahaharap
Ay may dalawang sitwasyong nagaganap

"Wala akong magawa"
Reklamo ng isang binatang tila sa pananatili sa bahay ay sawa na
Reklamo ng mga kabataang sanay sa labas at paggagala
Reklamo ng mga taong tila kalma lang at walang intindihing problema

Ngunit kinalaunan ay kanila rin masusulunsyonan
Ang nararamdamang kabagutan
Dahil nandiyan ang internet na kanilang natatakbuhan
Dito'y may mga laro, palabas, babasahin na kanilang mapaglilibangan

Sa kabilang banda, may reklamong masakit pakinggan
Puno ito ng paghihirap at kalungkutan
"Wala akong magawa" ani ng isang ama
Amang wala ng mailabas upang ipangtustos sa kanyang pamilya

Maaaninag sa kanyang mga mata ang pagaalala
Pipiliting magisip ng solusyon sa kinakaharap na problema
Dahil ang buhay niya'y di kasing dali ng sa iba
Na ang problema lang ay pagkaburyo sa mga bahay nila

Sa panahong ito nararamdaman niya'y hindi pagkabagot
Kundi nakakanginig na takot
Dahil alam niya na sa problema'y wala siyang lusot
At ang tanging magagawa lang ay maghintay at umasa kahit sa tulong na kakarampot

Kung pinagdaraanan mo'y tulad ng sa unang sitwasyon
Mapalad ka't kahit papano ay merong kang solusyon
Ang salitang "wala akong magawa" ay hindi nasasabi ng may mabigat na emosyon
Kaya sana'y reklamo ay tuldukan na ngayon

At para sa mga nasa ikalawang sitwasyon
Batid kong damdamin niyo'y puno ng tensyon
Pero sana kayo'y kumalma at magpakumbaba
Ipaubaya ang problema sa tiyak na makakatulong sayo at sa iyong pamilya

Dahil kahit nasaan man tayong sitwasyon
Gaano man katindi ang hinaharap na tensyon
Meron at meron tayong magagawa
At iyon ay ang magdasal at magtiwala sa Diyos siyang lumikha

Totoo na wala tayong magagawa
Lalo na kung hindi natin siya kasama
Ang pagtawag sa kanya'y huwag nating ikahiya at itago
Dahil sa laban na to, siya ang sa atin ay magpapanalo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Namulat Sa Katotohanang NagkalatWhere stories live. Discover now