Mga kapwa ko kabataan
Ano na ang inyong pinagkakaabalahan?
Inyong buhay ba'y pinahahalagahan?
O winawasak niyo na ng tuluyan?Bakit sa mundo'y nagpapaagos?
Bakit sa mga bisyo'y nagpapagapos?
Ito ba ang tutulong sa inyong buhay?
Ito ba ang magiging daan sa tagumpay?Imbis na sa paaralan pumapasok
Na may magandang buhay na inaalok
Nandun, nakatambay sa kanto
Humihithit ng di mabilang na sigarilyoImbis na libro ang binubuklat
Imbis na pag-aaral ang inaatupag
Nandun sa kalye pakalat kalat
Kanser sa bansa na ang banyagSulsol ng tropa ang sinusunod
Sa katawan ay wala ng natitirang takot
Sa alak ay nagpapakalunod
Hay buhay, diyan nalang umiikotBakit ang pinapagana ay laging puso
Bakit hindi masunod sunod ang plano?
Magandang buhay sa hinaharap
Bakit ipinagpapalit sa panandaliang sarap?Bili dito, bili doon, mga bagay na puro luho
Para makasabay lang sa pagbabago
Para hindi husgahan ng ibang tao
At hindi matawag na huli sa usoIsa lang ang tanong ko,
Anong ginagawa mo?
Ito na ba ang iyong plano?
Ito na ba ang makakapagbago sa mundo?Anong ginagawa mo?
Piliin mo ang pagiging marangal na tao
Huwag mong ipahiya ang sarili
At tagumpay sa mundo'y ipasaksiAlamin ang importante sa hindi
Huwag puro kasiyahan ang iniintindi
Maging praktikal sa lahat ng bagay
Ng umasenso ang ating buhayBuksan ang iyong mga mata
Upang ang katotohanan ay makita
Na tayong mga kabataan ay unti unti ng napapariwara
Ang pag-asa ng bayan ay unti unti ng nawawalaMga kabataan ngayon
Ito na ang ating panahon
Huwag sayangin ang pagkakataon
Mababang tingin sa atin ay ibangon
![](https://img.wattpad.com/cover/162736743-288-k534952.jpg)
YOU ARE READING
Namulat Sa Katotohanang Nagkalat
PoetryMasasabi ba na kapag ating mga mata ay dilat, tayo ay totoong mulat? O dilat nga ang ating mga mata ngunit ang katotohanan ay hindi parin makita? Dilat pero hindi mulat. Namulat Sa Katotohanang Nagkalat, tula kung saan unti unting mumulat sayo mula...