Malaya Ka

78 1 0
                                    

Malaya ka
Sa iyo'y walang hahadlang o aabala
Malaya kang gawin lahat ng iyong nais
Gawin lahat ng walang mintis

Sa ating bansang demokrasya
Malaya ka
Ipahatid lahat ng iyong ideya
Bagay na sa tingin mo ay tama

Malaya kang magdesisyon para sa sarili
Pero siguraduhing hindi ito makasarili
Malaya kang isaalang alang ang ibang tao
Mga posibleng maapektohan sa gagawin mo

Ipahayag ang iyong damdamin
Hindi man nila ito rerespetuhin
Pero malaya kang sila'y intindihin
Dahil ganito talaga, meron at meron silang sasabihin

Pagkat malaya ka, at malaya rin sila
Na ipahayag kung ano ang kanilang nakikita
Tama man o mali, Mabuti man o masama
Ngunit madalas ay sobra na, puro nalang panghuhusga

Malaya kang pumili
Kung ito'y tatanggapin o hindi
Pero malaya kang ipakita
Ang respeto mo sa kanila

Malaya ka
May karapatan kang magsalita
Pero may responsibilidad kang gawin sa paraang tama
Na hindi makakasakit sa damdamin ng iba

Malaya kang gawin ang lahat
Pero tandaan ang pananagutang katapat
Kung ayaw makarinig ng masakit na salita
Gumawa ng bagay na hindi kahusgahusga

Namulat Sa Katotohanang NagkalatWhere stories live. Discover now