Sa labang kinakaharap ngayon ng ating mundo
Buong puso naming ibinibigay ang oras sa aming trabaho
Sa kabila ng pangamba at takot na nadarama
Nagingibabaw parin ang pagaalala para sa ibaPinili naming manguna sa panahong ito
Pinili naming paglingkuran ang ibang tao
Hindi dahil sa halagang maaari naming makuha
Kundi dahil pagibig ang sa amin ay nagungunaMangunguna kami
Pangamba't takot ay aming isasantabi
Ngunit sana kayo'y manatili
At kaligtasan niyo ay siya rin mapiliMangunguna kami
Lalaban mula araw hanggang gabi
Ngunit sana kayo'y manatili
At dasal ang siyang bigkasin ng inyong mga labiMangunguna kami
Ngunit sana'y inyong paang nangangati
Ay piliing manatili
Nang sa bilang ng mga pasyente, kayo'y hindi makasaliMangunguna kami
Ng may ngiti sa aming mga labi
Dahil ang paglingkuran ang mga tao at bayan
Dala sa amin ay kaligayahanPakinggan ang aming munting mensahe
Sa pakikiisa sana'y lahat tayo'y sumali
Tulungan kami sa paraang pagdarasal para sa aming kaligtasan
At sa paraang pagsunod sa mga alituntuning nilabas ng pamahalaanMangunguna kami
Sana'y sa amin ay iparamdam
Na kayo'y aming kakampi
At para ang covid 19, mapadali ang pamamaalam
![](https://img.wattpad.com/cover/162736743-288-k534952.jpg)
YOU ARE READING
Namulat Sa Katotohanang Nagkalat
PoetryMasasabi ba na kapag ating mga mata ay dilat, tayo ay totoong mulat? O dilat nga ang ating mga mata ngunit ang katotohanan ay hindi parin makita? Dilat pero hindi mulat. Namulat Sa Katotohanang Nagkalat, tula kung saan unti unting mumulat sayo mula...