Hindi Lang Ikaw

18 0 0
                                    

Mata'y iyong imulat
Pagmasdan ang mga isyung nagkalat
Maraming mga taong nakakaranas ng paghihirap
Maswerte ka dahil ginhawa'y iyong nalalasap

May tahanang natutuluyan
May malambot na kamang nahihigaan
Mga masasarap na pagkaing napagsasaluhan
Buhay na tila nais ng iba'y makamtan

Pero sana'y gumising ka
Sa katotohanang sa mundo'y meron ding katulad nila
Mga taong nasa mababang estado
Mga nakakaranas ng paghihirap na todo

Ang makahanap ng matutuluyan ay sa kanila'y pahirapan
Ang makabawi ng tulog ay di lubos nakakamtan
Ang piraso ng tinapay ay sapat na para sa kalamnan
Ganyan ang buhay na kanilang pinagdaraanan

Maswerte ka dahil merong kang perang pambili
Perang makapagpapabuhay sa sarili
Pero ang mabuhay ay kanila rin namang pinipili
Ngunit kahirapan ay sadyang sila'y ginagapi

Kaya sana ngayon, na ang atensyon mo'y napukaw
Malaman mong hindi lang ikaw
Hindi lang kagaya mo ang namumuhay sa mundo
Matutunan sanang intindihin ang kalagayan ng mga taong ito

Huwag sanang magalit sa desisyong kanilang ginagawa
Huwag pintasan na tila sila'y mga walang utak at kulang sa disiplina
Intindihin ang kanilang pinangagalingan
Ito'y dahil lamang sa nararanasang kahirapan

Dahil ito ang totoo, sa mundo'y hindi lang ikaw
Ang laging tama ang mga galaw
Desisyon man nila'y salunggat sa iyong pananaw
Ngunit lahat ng ito'y may dahilang hindi mo natatanaw

Hindi lang ikaw ang siyang nabubuhay
Buhay na kapwa niyo tinatamasa ay pantay
Dahil isa lamang ang dito'y nagbigay
Kaya sa pangpipintas, ikaw ay maghinay hinay

Bigyan sila ng sapat na atensyon
At yakapin ang kanilang sitwasyon
Pagunawa sa kanila'y ibigay
Habang sila'y patuloy na lumalaban sa buhay

Namulat Sa Katotohanang NagkalatWhere stories live. Discover now