Subukan mong lumingon sa paligid mo
Subukan mong kabisaduhin ang mukha ng mga tao
Pagmasdan mo sila ng maigi
Matutukoy mo ba kung sino ang totoo sa hindi?Subukan mong pakinggan ang mga salita mula sa kanila
May mga mabubulaklak at magaganda
Meron ding hindi pero tila nasasapal ka
Sa tingin mo ano ang mas totoo sa dalawa?Maayos siyang manamit
Pero walang nakakaalam na siyang manggagamit
Tila napabayaan niya na ang kanyang sarili
Pero dahil sa pagmamahal sa iba, sarili niya'y isinantabiIsa lang yan sa misteryo ng mundo
Dahilan kung bakit mahirap malaman kung ano ang totoo
Lahat ay marunong magtago
Lahat ay may takot na baka mabukoSa totoo lang, maraming hindi totoo
Maraming mga tao ang may itinatago
Maaari kang linlangin ng mga ito
Kung ika'y magpapadala tiyak ika'y taloSa totoo lang, maraming hindi totoo
Minsan pati ikaw sa sarili mo
Pinipilit mong linlangin ang ibang tao
Pero teka sarili mo ata ang iyong nilolokoWalang masama kung protektahan mo man ang iyong sarili
Pero sa ginagawa mo nakakatulog ka ba ng mahimbing sa gabi?
Bakit hindi mo subukang lumagay sa kabutihan
Basagin na ang bumalot sayong kasinungalinganSa totoo lang, maraming hindi totoo
Siguro yan din ang tumatakbo sa isip mo
Kaya para sayo, ayos lang kung ika'y isa rito
Katuwiran mo, lahat naman ay may itinatagoMuli, subukan mong pagmasdan hindi ang mundo
Kung hindi ang sarili mo
Masyado mo ng binabagay ang sarili sa kanila
Kaya kahit mali na ay gagawin paSa totoo lang, maraming hindi totoo
Maging ang mga bagay na sinisigaw ng mundo
Gawin mo raw kasi yan yung uso
Subukan mo raw dahil jan ka raw matututoWalang masama kung matututo kang humindi
Lalo na kung alam mo na mali
Kung sa huli'y may malaking bagay na kapalit
Bakit mo pa papakinggan ang kanilang pinipilit?Sa totoo lang, maraming hindi totoo
Kaya dapat lang na ika'y maging matalino
Sa lahat ng desisyong gagawin mo
Dahil sa huli baka pagsisihan ito
YOU ARE READING
Namulat Sa Katotohanang Nagkalat
PoetryMasasabi ba na kapag ating mga mata ay dilat, tayo ay totoong mulat? O dilat nga ang ating mga mata ngunit ang katotohanan ay hindi parin makita? Dilat pero hindi mulat. Namulat Sa Katotohanang Nagkalat, tula kung saan unti unting mumulat sayo mula...