Ang tunay na maganda
Sabi nila, ito daw ay kitang kita sa mukha
Ito pa, ang tunay na maganda raw ay kapag may mga talento at iba pang nagagawa
Sabi rin ng iba, ang tunay na maganda hindi lang sa panglabas nakikitaAng daming basehan kung paano maging maganda
Mga bagay na kapag wala ka, tiyak sayo'y pangit ang tingin nila
Mga basehang ito'y dahilan kung bakit tingin sa sarili'y bumababa
Minsan umaabot pa sa puntong tiwala sa sarili'y nawawala naMay batayan na ang pagiging maganda, kaya dahil sa kagustuhan mong maging kabilang sa kanila
Aabutin ang mga batayan na inimbento nila
Gagamit ng mga produktong pampaganda
Ididiskubri ang mga talento na magagawaPero alam niyo ba na ang tunay na maganda,
Hindi lang ang mga mata ang nakakakita
Hindi lang bibig ang siyang makakapagsabi
Hindi lang mga depinisyon o mga salita na naririnig sa tabi tabiHindi batayan o basehan ng tunay na maganda,
Ang kung paano niyo sila gustong makita
O kung paano niyo sila dinadala ng mga mapanlinlang na salita
Para maengganyo na baguhin ang sarili nilaPero ang tunay na maganda
Ayusin natin ang mga gagamiting salita
Huwag tayong magkumpara
Huwag ipamukha sa isang tao na sa kanyang maraming hihigit paHuwag maging mapanghusga
Bigyang halaga ang bawat isa
Dahil ang lahat ay may kanya kanyang ganda
Hindi kailangang gumawa ng batayan para lang masabi kung sino ang tunay na magandaAt ang tunay na maganda ay kapag tanggap mo ang iyong sarili
Lahat ng kakulangan ay hindi itinatanggi
Ang tunay na maganda ay sayo mismo nagmumula
Dahil ang Diyos ang siyang sayo'y lumikha
ESTÁS LEYENDO
Namulat Sa Katotohanang Nagkalat
PoesíaMasasabi ba na kapag ating mga mata ay dilat, tayo ay totoong mulat? O dilat nga ang ating mga mata ngunit ang katotohanan ay hindi parin makita? Dilat pero hindi mulat. Namulat Sa Katotohanang Nagkalat, tula kung saan unti unting mumulat sayo mula...