Mukhang sa iyong labi ay may naipintang ngiti
Ito na ata ang para sayo'y pinaka magandang gabi
Dahil sa wakas, nakamtam mo na ang matagal ng ninanais
Pero teka, bakit ka nagmamadaling umalis?Hindi pa natatapos ang buong gabi,
Hindi pa nagigising ang binibini sa iyong tabi
Hindi pa niya naimumulat ang kanyang mga mata
Hindi pa siya namumulat sa katotohanang pag gising niya, siya'y magisa naDiba't sa pagsasabi sa kanya kung gaano mo siya kamahal ay tila walang mintis
Kaya ngayon, bakit ka nagmamadaling umalis?
Ayaw mo na ba?
Isang gabi pa lang, pero tila bakit nagsawa na?Nagsawa na nga ba talaga?
O pinangunahang agad ng takot at kaba?
Sapagkat ito ang gabing pinaka maganda
Pero sayo'y bangungot din ang dalaDahil paglipas ng ilang araw
Alam mo na ang balitang sayo'y dadalaw
Ang gabing puno ng pagnanasa
Ayan at magkakaroon na ng bungaAng daming sinumpaang pangako
Magkasama raw hanggang dulo
Akala ko ba mahal mo siya ng labis,
Pero bakit ngayo'y nagmamadali kang umalis?Napunan na niya ang pagnanasa sa iyong katawan
Nabigay na ang iyong kahilingan
Magkasama niyong naramdaman ang kasukdulan
Pero bakit hahayaang mo siyang haraping magisa ang katotohanan?Katotohang pagtapos nitong pinagsaluhang gabi
Sa isip niya'y magkakaroon ng pagsisisi
Kung bakit siya sayo'y naniwala
At sa mga kasinungalingan mo ay nagpadalaPagtapos nitong pinagsaluhang gabi
Ang taong minahal niya'y mawawala sa kanyang tabi
Dahil ang taong minahal niya'y sa kama lang palaban,
Pero duwag at walang paninindiganBakit ngayo'y nagmamadali kang umalis?
Parang kanina lang ang mga tingin mo sa kanya'y napakatamis
Dahil ba ang pangyari ay sadyang mabilis
At ito ay sa plano mo'y lumihis?Sana sa simula pa lang, nagmadali ka ng umalis
Hindi yung sa damit niya'y nagmadali ka sa pagalis
Para ngayo'y hindi mo kailangang magmalinis
At sa kanya'y magiwan ng sakit at hinagpis
BẠN ĐANG ĐỌC
Namulat Sa Katotohanang Nagkalat
Thơ caMasasabi ba na kapag ating mga mata ay dilat, tayo ay totoong mulat? O dilat nga ang ating mga mata ngunit ang katotohanan ay hindi parin makita? Dilat pero hindi mulat. Namulat Sa Katotohanang Nagkalat, tula kung saan unti unting mumulat sayo mula...