Mayroon nakakabit saamin na dextrose na pinaka-ayaw sa lahat ni Jam takot kasi siya sa mga needles o  kaya iyong mga tinutusok ng mga doctor na injections.

"Yes kaya humiga ka lang muna diyan at magpahinga habang hinihintay natin si Doc." Sabi ni bebelovs ko habang nagsasalin ng tubig. Hehehee Malandi ba ako?pagbigyan nyo na isang beses ko lang naman siya tatawagin ng ganiyan eh. May hiya pa rin naman ako.

"Are they okay?" I nervously asked. Napatingin naman saakin si Sage. " Yes stable naman daw ang kalagayan niyo."

Napabuntong-hininga naman ako. Thanks God walang nangyaring masama sakanila Jam at Lili.

" Here drink this to stay hydrated." sabi niya at inabot saakin iyong tubig. Napaka-thoughtful naman.

Umupo ulit siya dito sa tabi ko habang tinititigan ako. Shet kinikilig nanaman ako anubayan!!!

Para hindi gaanong tahimik ay nagtanong ako,"Asan pala sila Thorn?".

Hindi pa rin niya inaalis iyong titig niya saakin kaya feeling ko namumula na ako. Hindi ko pa naman alam kung maayos ba ang itsura ko. Buti na lang dalawa kami dito,well except sa dalawang tulog pa, kung hindi aasarin nanaman nila ako.

"Sina Trevor(second name ni Thorn), Dyran at Jax kumuha ng pagkain at damit niyo habang si Troy ayon kita ko mo naman tinawag si Doc." sabi niya.

"May dumi ba sa mukha ko?" hindi ko na napigilang tanong dahil kanina pa siya tumititig saakin.

" Wala naman. You still look beautiful kahit ganiyan itsura mo." sabi niya sabay ngiti. Mas lalo ata akong namula dahil sa sinabi niya.
" Ehhh parang timang naman >.<..." nahihiyang sabi ko kaya tumawa siya.

"May wipes ba yan pahingi." Sabi ko habang tinatakpan itong mukha ako. Nakakahiya kung ano-ano kasing sinasabi.

Natatawa naman siyang tumayo at kumuha ng wipes. "Huwag kang tumawa!" sabi ko kaya mas lalo siyang natawa dahil saakin. Wow clown na pala ako ngayon pero okay lang napapasaya ko naman siya ehee ehee. Landi Vanilla umayos ka nga.

Noong nakuha na niya iyong wipes bumalik ulit siya sa tabi ko at kukunin ko na sana iyong wipes pero nilayo niya saakin at hinawakan iyong kamay ko. Naglabas siya ng isa at humarap saakin huwag mong sabihing pu--

"Stay still.." sabi niya at hinawakan ang mukha kong ngayon namumula ng bonggang-bongga. " A-a-aako na.." nauutal kong sabi. Tae nakakahiya!!

Pero hindi man lang niya ako pinansin bagkus tinuloy niya parin ang pagpunas sa mukha ko. His hands is very soft at sa bawat paghaplos niya ng wipes sa mukha ko ay napakahinhin na animo'y mababasag ang mukha ko kapag hindi niya iningatan. At sa pagkakataon na din na ito ay malaya kong natititigan ang maamo niyang mukha. Napakagwapo talaga nito kaya siguro mas lalo akong nahuhulog.

Parehas lang naman sila ni Thorn ah magkakambal nga eh.

Bakit nanaman pumapasok sa  isipan ko si Thorn?

"Ahemm." sabi bigla kaya napapaupo ako agad. "Nandito na si Doc." sabi ni Troy na nasa pintuan. Hindi ko malaman kung ano ngayon ang nasa isip ni Troy. His face is blank, I can't understand it.

Ayan kung ano-ano kasi iniisip Vanilla, yan tuloy hindi mo man lang namalayan iyong pagkabukas ng pinto.

"Hi Van, How are you feeling?" Tanong ni Dr. Kat. She's our personal doctor and a good friend of our parents kaya naging kaclose namin siya. Sakaniya kami madalas pumunta kapag may sakit kami o kahit ano man na may kinalaman sa aming kalusugan. Pero minsan nakakabonding din namin siya sa labas. At si Dr. Kat ay bata pa wala pa ngang asawa eh.

Stuck Between Two HeartsWhere stories live. Discover now