Chapter 21: Go Home

Start from the beginning
                                    

And there I saw him... with his usual expression. Nakapamulsa siya at matamlay akong tiningnan at ng makita niy ng maayos ang pagtakbo ko papalapit sa kaniya ay lumiwanag agad ang mukha niya.

Xander is standing still at the center of the grounds. Hindi ko alam kung ilang oras ba siyang naghintay diyan. And before I could speak his name ay dinamba na niya agad ako ng mahigpit na yakap.

"I missed you..." Hinaplos ko naman ang likod niya at niyakap din. I miss you too Xander.

"Xandra, ba't hindi ka nagpakita sa akin ng buong araw? Are you hiding from me?" agad na tanong sa akin ni Xander ng matapos niya akong yakapin.

Iniwas ko naman ang tingin ko at pilit na pinipigilan ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. I know... I know why he's here.

Sinusundo niya na ako. Malapit ng mag da-dalawang buwan and I am not home yet.

"I'm sorry..." I said it in almost a whispher.

"Is there something wrong? At ba't mo kasama ang lalaking 'yong kanina? I thought we agreed? Hindi ka pwedeng ma attach sa kanila. You know that." pag-aalalang wika sa akin ni Xander.

My breath now is so heavy that it gives unbearable pain to my body.

"I-I just..."

Hindi ko makuha ang tamang salita na sasabihin ko sa kaniya. I'm out of words for goodness sake!

Hinawakan naman ako ni Xander sa balikat ng makita niyang nahihirapan ako.

"H'wag mong sabihing malapit kayo ng lalaking 'yon Xandra." tiim bagang sabi sa akin ni Xander, like he is giving me some caution.

"W-Why?" garalgal na tanong ko and he just sighed, thingking if he should spill the beans or not.

"What?" I pushed him, and there I heard everything I wanted to hear.

"Kaya ako nandito upang kunin ka. Drop the mission and forget everything. Natutunugan ka na nila Xandra. Ilang araw lang ng nakapasok ka dito sa loob ng university ng may natanggap kaming mensahe. It says 'She's my next victim.' And that person is referring to you!" sabi niya at pilit na pinapaniwala ako sa mga nalalaman niya.

She's my next victim?

It's like... Kiero's lines.

"Alam mo ba kung ilang ulit akong nagbalak na pumasok? If hindi ako nagpanggap na kasali ako sa underground society at na ace ang exam na ibinigay sa akin for sure wala ako dito ngayon." sabi niya ulit pero para bang wala akong naririnig.

I-I am not yet ready to leave.

"Xander," I said with confidence. 

"Give me three more days. At uuwi na ako."

Tiningnan niya naman ako na para bang nag-aalala siya sa sinasabi ko. 

"Please..." I pouted but he did not agree, based on his expression tho.

"Tatlong araw lang at sasama na ako sa'yo." sabi ko at kinuha ang dalawang kamay niya.

Pero imbes na sumang ayon siya ay binitawan niya ang mga kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos niya akong yakapin ay binigyan niya ako ng maiinit na halik sa noo ko.

My eyebrows suddenly raised on his actions. 

"Hindi pwede." marahan na sabi ni Xander sa akin at ipinakita ang envelope na hawak hawak niya.

Ano 'to?

"Kaya ba ayaw mong umuwi kasi may nararamdaman ka na sa lalaking 'yan?"

Nanlaki naman ang mata ko at nanginginig na kinuha ang envelope sa kamay niya. Binuksan ko ito at napasinghap ng makita ang mga litrato naming dalawa ni Kiero. Masayang masaya kami sa bawat litrato. Marami pa iyon at hindi ko na kaya pang tingnan.

"Akala ko hindi ka mahuhulog sa mga taong kagaya nila Xandra. You've changed." he said coldly. "But don't worry I still love you and I will always accept you no matter what."

Napa anga naman ako sa sinabi niya. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Tiningnan kong muli ang mga litrato at hindi ko na talaga napigilan pang umiyak.

"I-I'm sorry. Mahal ko siya Xander." sabi ko at humagulhol na ng malakas.

I don't care kung may makakita man sa amin ngayon I just want to burst. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko.

"Alam ko Xandra at nasasaktan akong makita kang ganiyan. But you need to choose Xandra. Kami o ang lalaking 'yan?" Napatingala naman ako sa tanong niya at napalinga linga.

"N-Noooo." I don't want to choose.

Hinawakan naman ni Xander ang kamay ko dahilan upang makuryente ako. I still feel the connection pero hindi na ito kagaya ng dati. Iyon siguroy dahil may gusto na akong iba. But, Xander is just like more afamily to me at hindi niya matutumbasan ang pagmamahal ko ngayon kay Kiero.

"Xandra please open your mind and see the possibilities. Bakit mo siya minahal? Dahil iniligtas ka niya? Pinakitaan ka ng maganda? Sinorpresa ka? Alam ang mga paborito mo? You knew that man, that asshole is a fuckin playboy. A player Xandra." marahas niyang pagkakasabi at sa bawat salita niya tungkol kay Kiero ay para bang gusto kong siyang saktan.

Kiero is not like that. Oo, inamin niyang gusto niya akong paglaroan nong una but he changed. He already proven his self to me.

"Alam mo kung bakit alam ko 'to lahat Xandra? Kasi hindi lang ikaw ang nandirito sa loob ng university. Maraming nakamatyag sa'yo. But because you are blinded, nakalimutan mo ng may kasamahan tayo dito sa loob matagal na. Even before you are here." sabi niya na ikinabigla ko. What?

"Akala namin nong una may pinaplano ka lang para makakuha ng impormasyon sa kanila but this is way beyond a plan Xandra. Nakikipaghalikan ka? Just to get information? You are not like that." mariin niyang sabi at tiningnan ako na para bang nagagalit siya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. I just stood and keep myself silent. Kasi totoo naman talaga lahat ng mga sinasabi niya. Nakalimutan ko na ang sarili ko.

"Ilang weeks lang Xandra at nahulog ka na agad? Hindi ka ba nagtatakaka? Alam mo sa laro niyo? Siya ang player at ikaw ang biktima. Alam mo bang lahat ng pinapakita niya sa'yo ay laro lang lahat? I heard someone named Topher. Siya rin ang tumulong sa akin kung ba't ako nakapasok." he said and there I look at him shocked and speechless.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko at napakunot noo. 

Topher? Why would he help him? Ibig sabihin alam niya na?

"Yes, Xandra. Topher knew everything. Noong una palang alam na nilang lahat na spy ka. Kaya ako pinapasok ni Topher para kunin ka na dahil baka sa huli mas masasaktan ka. He promised that he will not speak about us. Kung hindi ka namin mahal Xandra, we will let you fall into his trap. But Xandra mahal ka namin. Just please..."

I-I was dumbfounded. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. O baka hindi ko kayang maniwala dahil mahal ko na siya?

Naalala ko naman bigla ang mga masasayang pagsasama naming dalawa ni Kiero. Is it all just a game? Naalala ko naman ang panahong nasa hospital ako dahil kay Celine. Narinig kong pinag-uusapan nila ako, alam ko namang ako 'yon even if they did not spill my name.

Pero akala ko tapos na ang laro niya? Wow! Nag-aalal pa ako kanina na baka malaman ni Kiero na spy ako and it turns out na matagal na pala nilang alam.

Tiningnan ko naman si Xander at nginitian ng mapakla. 

"Just give me three days, Xander."

Tatlong araw lang. Gusto kong makasama at makausap si Kiero. Alam niya na pala? But why is he acting like he don't know anything? Para paglaroan ako?

Oh wow! Great.

Napabuntong hininga naman siya at dahan-dahan akong tinangoan. 

"Three days and then... we will go home."

Tumango naman ako sa sinabi niya. Three days is enough to do everything I needed to do. If I see that Kiero is telling me the truth and the game he planned is over , I will forgive him. But if not... I will leave.


"No more extension." Xander added with a serious tone.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now