Sa lahat ng taong kilala ko, ito lang ang tanging babaeng walang kaamor-amor sa sariling anak. Inuuto ko lang naman ito para makumbinsi na kunin lahat ng yaman ng mag-amang Kazuma. Ngunit talaga yatang malakas ang tama ng Ryuuji na yun sa bastardo kong kapatid. Kaya nawalan ako ng alas para sa mga Kazuma. Ngunit ang di ko inaasahan ay ang pag-agaw ng bastardong iyon sa lahat ng pera ng Kazuma.

Kaya ngayong wala nang silbi ang babaeng ito ay oras narin para itapon sya. Wala naring saysay pang gamitin sya.

"P#tang ina mo Tart! Ginamit mo lang ako! Ginamit mo lang ako!" Nagsisigaw nitong sambit habang pinupukpok ang mesa ko.

Napangiti nalang ako sa pagiging desperada nito.

Tumayo ako at hinawakan ang magkabilaang braso niya.

"Dapat nuon pa ay alam mong ginagamit lang kita." May diin kong saad dito.

"Hinding hindi ako papatol sa baliw na kagaya mo kung hindi kita pakikinabangan. At ngayon ngang wala kanang silbi pa sa akin, oras na para itapon kita." Saad ko saka ngumiti at tinulak ito sa sahig.

"Christina, pakitawagan ang mga guards at alisin sa opisina ko ang babaeng ito." Utos ko sa sekretarya ko matapos itong pumasok nung pinindot ko ang buzz button ng mesa ko.

Agad na tumayo ang pokpok at pinaghahampas ako ng kanyang mga kamay. Agad ko ring pinigilan ang kanyang mga hampas at muli ay tinulak ito palayo.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito Tart! Pagbabayaran mo ang lahat!" Sigaw nya habang pilit na kumakalas sa hawak ng mga guard na kakarating lang din.

Tumawa ako ng may paguuyam sa mga salita nya.

"Hindi ako magbabayad, Tiara, dahil hindi pa ako tapos maningil." Sagot kong pabalik dito.

"Hayop ka! Hayop!" Sigaw nito habang kinakaladkad ito paalis ng opisina ko.

Nang maiwan akong mag-isa sa aking opisina ay inayos ko ang aking neck tie.

Agad kong kinuha ang aking cellphone at pinindot ang dial number habang nakatanaw sa labas ng glass wall ng opisina.

"Hello." Bungad ko ng may sumagot na sa kabilang linya.

"Tapusin nyo na ang inutil kong abogado." Saad ko sa linya habang nakapameywang na nakatitig parin sa labas ng glass wall.

"Maghanda kayo, dahil oras na paratapusin ang buhay ng namamahala ngayon sa buong Castero empire. Oras na para mapasaakin ang dapat na mapunta sa akin." Pagtatapos ko sabay baba ng telepono.

Pasensyahan nalang tayo Auster, dahil sa buhay na ito, ang malalakas lang ang matitira. Bulong ng utak ko na syang nagpatawa sa akin. Tawa ng isang demonyo.

....

Tiara's pov

"Ano ba! Bitiwan nyo ako! Mga hampaslupa kayo!" Sigaw kong pagpupumiglas ng kaladkarin ako ng mga security guard ni tart.

"Baliw ka talagang babae ka. Kung san san na kumpanya kana nagiiskandalo." Sabat ng isang guard na nakahawak sakin sabay tulak nilang dalawa sa akin palabas ng building.

Napasubsob ako sa tabi ng daanan dahil sa pagtulak sa akin ng mga ito.

"Mga hayop! Idedemanda ko kayo!" Walang habas kong sigaw sa mga ito.

"Nako, eh mas mahirap ka na nga kesa sa amin eh, magdedemanda kapa? San ka kukuha ng pandedemanda mo?" Natatawang sambit ng mga ito.

"Wag na wag nyo akong makukumpara sa inyo! Mga surot lang kayo kumpara sa akin!" Singhal ko sa mga ito ng makatayo ako.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon