Nakasandal lang ako sa aking upuan at pinagmamasdan ang graph line sa may dingding na nakaproject.

For four consecutive months ay napakalaki ng ibinagsak ng buong kumpanya. Nasa ilalim na ng danger line ang current market value namin.

Sa estado nito ngayon ay panigurado na mahihirapan na kaming makabangon muli.

"Are you even listening, Tart?" Saad naman ng isa na di ko na alam kung sino pa sa mga gurang na nakaupo palibot sa meaang ito.

"Ahhhh! Shut up! All of you!" Di ko mapigilang sumigaw dahil kanina pa nagrereklamo ang mga gunggong. Naririndi na ako sa mga boses nila.

"All your blabbering wont pull all of us up." Panimula ko sa mga ito ng humupa ang ingay nila. "I have been doing everything I could to keep us all away from that danger line! I have gone through options just to keep us stable. Pero kayo na mga hunghang kayo! Puro kayo reklamo!" Di ko na mapigilan ang pang iinsulto sa mga ito.

"I am currently working my best to a new project that will definitely pull us up." Saad ko at bumalik sa aking maayos na pagkakaupo upang huminahon na.

"This project that I am into right now will not just pull us up, but also keep us from going down for decades as per our estimation." Tila naman nabigla ang mga ito at nagsimula na ang mga bulong bulongan.

"Tell us about this project. You still need our approval for it." Saad ng matandang babae na isa rin sa mga board members.

"Nope! This is the only project that does not involve any of you piece of shit." Nakangiti kong saad.

"How insolent! Tingin mo kaya mong ibangon ang kumpanyang ito ng mag-isa?" Sabat nila. Pero di ko na ito pinatulan pa at di ko narin hahayaan pang tumaas ang diskusyon.

"I don't need any of your approval. Meeting adjourn!" Saad ko at tumayo na paalis habang iniiwang nagmumura ang mga matatandang wala namang kakwenta kwenta.

..

Nasa loob ako ngayon ng opisina ko at hawak hawak ang aking snetido na binabasa ang mga financial report ng bawat branch ng kumpanya.

Everything is in downfall. The new ideas that we tried pushing through didn't work out.

Things are falling all over the place nang dahil sa walang kwentang anak ng tatay ko sa iba. Sa akin dapat ang yaman ng matandang yun. Ako dapat magpapakasasa sa lahat ng yun.

Ang walang kwenta kong ama! Ni isang kusing ay walang itinira sa akin. Kahit kailan hindi nya ako tinuring na anak. Kaya naman wala ni isang pagsisisi sa puso ko na namatay sya dahil narin sa kagawan ko.

Nasa ganoon akong pagbabalik tanaw ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina.

Iniluwa nito ang pokpok kong laruan.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong dito matapos ibaling ang tingin sa mga financial report sa desk ko.

"Walang hiya ka! Sabi mo basta gawin ko ang lahat ay hindi moko iiwan. Ginawa ko na ang lahat na umabot sa puntong binaboy ko ang sarili kong katawan at nagpagamit sa lalaking hindi ko mahal para lang sa mga plano mo! Ngayon ayaw mo na akong makita? Walang hiya ka talaga!" Nagwawala na ito at ikinalat ang mga papel na pinagmamasdan ko kanina.

"Nangako kang pagkatapos ng lahat ng ito magkakabalikan tayo. Tang-ina mo minahal kita ng sobra." Pangongonsensya nito na kinatawa ko ng wala sa oras.

"Alam mo? Wala ka namang tinupad sa mga sinabi mo eh. Diba napagkasunduan nating magpapabuntis ka sa kanya at gagamitin mo ang bata para makuha lahat ng pera nya? Oh anong nangyari? Ni hindi ka pinakasalan at ginawa ka lang yaya ng anak nya. Nakakatawa ka." Pang iinsulto ko sa pokpok na ito. Isa rin itong may maluwag na turnilyo sa utak.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum