Chapter Twenty-One

1.7K 41 1
                                    

[LANCASTER]

"On next two days, susunduin ko si Andrea. Hindi pwedeng agad-agad kaming umalis, makakahalata sila"

Tinignan ko naman si Andrea na masayang kumakain ng in-order kong Jolly Spaghetti.

"Ngayon ka lang nakatikim niyan?" I asked.

"I didn't know that this food exist here." She defended.

I chuckled at saka sumimsim sa softdrink na in-order ko.

"Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin kumain?" I offered.

"You will bring me everywhere?" She asked.

"Yup, wherever you want."

Her lips pouted as she started to think, I looked at it at pinigilan ang sarili ko na halikan iyon.

We are in a crowded place come on.

"Gusto kong pumunta sa Arcade, I remember Kellan and Kathy bring me there. Gusto ko lang bumalik." She said.

"Then Arcade it is."

Pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami papunta sa Arcade na sinasabi niya since nasa mall naman kami.

Sabi ni Scorpio ay pwede na daw siyang maglakad-lakad basta wag lang masyadong gumagawa ng kahit anong mabibigat na activities.

She squealed at tatakbo sana papasok sa loob ng Arcade pero pinigilan ko ito, she looked at me with a pout.

"Just walk, tandaan mo may sugat ka pa." I said at hawak kamay naman kaming pumasok sa loob.

"I want to play that!" Turo nito sa claw machine, I chuckled at saka nagpa-palit ng pera para sa tokens ang she started to play.

Nakatingin lang ako sa kanya na naka-concentrate sa pagkuha ng stuffed toy. Her face flashed a disappointed look nang hindi niya nakuha iyon.

"One more." She said at saka naghulog ng token ulit at naglaro, pinigilan ko naman ang sarili ko na tumawa ng hindi na naman niya nakuha iyon.

Hinampas naman niya ako and she glared at me. "Tinatawanan mo ako eh!" She said.

"I'm sorry okay? ang cute mo." I said at saka pinisil ang pisngi niya. She pouted again at naglaro ng isa pa.

I sighed at saka naglaglag din ng token sa kabilang claw machine at naglaro din.

"Are you fucking kidding me?" I asked ng malaglag mula sa claw ang stuffed toy.

Naglaglag naman ulit ako ng token at sinubukang kunin iyon pero hindi na naman ako nagtagumpay.

Ilang beses na naulit iyon hanggang sa naubos ang pasensya ko. I huffed at saka tumingin kay Andrea na tutok na tutok doon.

"Magkano ba itong claw machine na to!?" Inis na tanong ko at hinanap ang empleyado na kanina lang ay nakatayo malapit sa amin.

"Hey! you can't do that!" Saway ni Andrea sa akin at nakatanggap naman ako ng hampas mula sa kanya.

"I can Andrea, heck I can buy this whole arcade." I said. "Saka hindi mo makuha yang gusto mo oh, ayaw mo ba yon?" I asked.

"Nope." She answered. "Kapag binili mo yung mga claw machine, wala ng mapag-lalaruan ang ibang bata. Kawawa naman sila." She said habang naglalaro.

Mayamaya lang ay tumili ito, akala ko naman ay kung anong nangyari yun pala ay nakuha na niya ang gustong-gusto niyang stuffed toy na nandoon.

She hugged that stuffed toy and also me, I chuckled at saka ginulo naman ang buhok nito.

His Series #10: Lancaster PascalWhere stories live. Discover now