Kabanata 57: Pagtutuos

10.7K 817 49
                                    

Maayos kaming nakalabas ng Norton nina Jacko at Lucas, naglalakbay na kami muli pabalik sa Fragkula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maayos kaming nakalabas ng Norton nina Jacko at Lucas, naglalakbay na kami muli pabalik sa Fragkula. Kailangan naming magmadali dahil may ilang araw na lamang na nalalabi bago ibigay ng mahal na hari ang hatol niya kay Aimer.

"Saan ka nga galing noong isang gabi?" pagtatanong muli sa akin ni Jacko. Kanina niya pa ako kinukulit dahil hindi ko siya sinasagot.

"May pinuntahan nga ako," sagot ko muli. Kailangan namin makarating sa Hangga dahil may oras lamang ang paglayag ng mga barko rito sa bayan. Kapag hindi namin ito nahabol ay baka bukas pa kami makaalis nito.

"Si Melia ba? Sabi mo ay sa Norton nakatira si Melia, nagkita kayo?"

"Sana nga ay ganoon ang nangyari," gustuhin ko mang makita si Melia dahil ilang linggo na namin siyang hindi nakakasama ngunit masyadong mahigpit ang seguridad sa mga tahanan malapit sa palasyo. Mataas ang estado nila sa buhay at isa sa mga taong pinoprotektahan sa Norton. "Hindi ko man siya nakita pero alam kong ginagawa ni Melia ang kanyang parte bilang ating kagrupo." nasabi niya nga kay Kaia ang patungkol sa tunay naming misyon. Alam kong binubuksan niya ang isipan ng mga miyembro ng Ixion sa tunay naming misyon.

"Uulan." tipid na sabi ni Lucas at nakatanaw sa kalangitan. Tama siya, malaki ang kagat ng dilim kahit magha-hapon pa lamang.

"Kailangan nating magmadali." sabi ko sa kanilang dalawa at tumakbo na kami tungo sa Hangga.

Huli na nung makarating kami, hindi na pinayagang maglayag ang mga barko dahil sa lakas ng ulan. Hindi ko rin alam kung bakit bumuhos ang malakas na ulan ngayong araw samantalang ang ganda-ganda ng sikat ng panahon kahapon.

Ang lakas ng buhos ng ulan ngayon at malalakas na kulog at kidlat ang maririnig sa buong paligid.

"Mukhang hindi tayo agad makakabalik sa Fragkula," nananatili kami nina Jacko sa isang panuluyan malapit sa daungan ng barko.

"Hindi ka ba maaaring magpalabas ng kahit anong hayop para makarating tayo sa Fragkula?" tanong ko kay Jacko. Wala na dapat kaming sayangin na panahon, buhay ni Aimer ang nakataya rito.

At isa pa, gusto ko nang matapos ang misyon nq ito lalo na't ilang linggo na lamang ang mayroon kami bago dumating ang paglalaho. Sa ngayon ay tatlo pa ang natitirang maalamat na hayop at gagawin ko ang lahat upang sila'y makita.

"Kaya kong magpalabas ng mga griffin pero ang hindi ko sigurado ay kung makakarating tayo ng buhay sa Fragkula," sabi sa akin ni Jacko at humiga siya sa kama. "Sa lakas ng kulog at kidlat ngayon? Mapapahamak lang tayo."

Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala kaming magagawa sa ganitong sitwasyon.

"Sana ay maganda na ang araw bukas." pagsuko ko. "Magpahinga na kayo, malayo pa ang ating lalakbayin patungo sa Fragkura." humiga na ako sa kama at hihintayin ko na lamang mag-umaga para makaalis na kami dito.

***

Malalim na ang gabi at nagising na lamang ako sa malakas na ingay sa baba. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan at malakas ang hampas ng alon sa dagat.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon