Kabanata 48: Ang biglaang pagsulpot

16.9K 1K 197
                                    

Please guys, appreciate ninyo na lang na nakakapag-update ako ke'sa magreklamo kayo. Hindi na po ako estudyante, I am now working, sobrang limited na lang nung time ko.

The reason naman kung bakit natagalan ang update ko is I am kinda lost and unmotivated pagdating sa pagsusulat. Kinailangan ko lang ng time magpahinga, Kailangan kong huminga sa pagsusulat. I am writing to relieved my stress, hindi para lalong i-stress-in ang sarili ko.

Hope you guys understand and trust me, tatapusin natin 'to. I can't leave Basil alone. He need justice. :)

-48-

Itinuro sa amin ni Luntian kung saan ang lokasyon ng kwebang kanyang tinutukoy. Nanghihina man si Jacko ay pinilit niya talagang makarating sa aming paroroonan. "May sugat ka, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Luntian habang nakatingin sa aking nagdudugong braso likha nang atake ni Avery.

Bumaba kami sa griffin at sinimulang maglakad, kumuha ako ng kamiseta sa aking bulsa at tinalian ang aking braso upang mapigilan kahit papaano ang pagdurugo nito at hindi ako manghina. Tumingin ako kay Luntian, "ikaw, nasira ang tahanan mo, ayos ka lang ba?"

Naging mas malungkot ang mukha ni Luntian habang pinagmamasdan niya sa 'di kalayuan ang malaking bahagi ng gubat na nasusunog at makikita ang pag-angat ng usok mula rito. "Hindi ako ayos, itong gubat lang ang mayroon ako... mawawala pa."

"Humihingi kami nang tawad," biglang nagsalita si Jacko na nasa aking tabi. "Kami ang may kasalanan kung bakit nangyari ito."

Iniling ni Luntian ang kanyang kamay "H-hindi, hindi ninyo ito kasalanan. Kasalanan ito ng gobyerno at ng Ixion. Kung tutuusin ay dapat akong magpasalamat sa inyo dahil kahit papaano ay tinulungan ninyo akong protektahan ang gubat at higit sa lahat, tinulungan ninyo ako na mapaunawa sa mga mamamayan ng Kamora ang kahalagahan ng kalikasan."

Nakarating kami sa kwebang kanyang tinutukoy at sumalubong agad sa amin sina Isla at Melia na inaabangan kami sa labas ng kweba. "Blade!" tumakbo si Melia sa aking direksyon at mahigpit na yumakap. "Akala ko ay kung napaano ka na! Mabuti at ligtas ka!" sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay pinag-alala ko na naman si Melia.

Hindi ko alam pero hindi ko gusto na makita ang ganoong ekspresyon sa kanya. Ekspresyon na punong-puno ng pag-aalala at takot. Niyakap ko rin siya pabalik. "Ayos lang ako, kumusta ang mga mamamayan ng Kamora?"

"Nagawa namin silang iligtas lahat. Noong narinig nila ang malakas na pagsabog mula sa gubat ay nabalot nang pangamba at takot ang mga tao ngunit nagawa naman namin silang pakalmahin at maayos na nadala rito sa kweba," kwento niya sa akin.

"Magaling. Magaling ang inyong ginawa." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ngayon, ang kailangan nating gawin ay gumamit nang mahika upang makubli ang ating pinagtataguan," Kailangan ay hindi kami matunton nila Avery.

Gustuhin ko man saktan nang makailang ulit si Avery kanina at pilitin siyang linisin ang aking pangalan ay hindi ko na ginawa. Ang dapat kong unahin ay kapakanan ng mga tao rito sa Kamora at kapakanan ng aking mga kasama lalo na't pagod na kaming lahat dahil sa pakikipaglaban.

Napatingin si Melia sa aking braso. "B-Blade may sugat ka, kailangan ay magamot ka agad ni Flavia." pumasok sa loob ng kweba si Melia upang matawag si Flavia.

Tumingin ako kay Lucas. "Lucas, kaya mo bang ikubli ang ating pagtataguan gamit ang iyong kapangyarihan?" si Lucas lang naman ang kilala kong tao na kayang gawin ito lalo na't kaya niyang itago ang katauhan ng isang tao.

"Ako na, ako na ang gagawa." biglang nagsalita si Luntian at mukhang desidido siyang makipagtulungan sa amin. Naiintindihan ko ang kanyang galit lalo na't nasira ang kanyang tahanan na ilang taon niyang iningatan.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon