Kabanata 6: Problema sa bayan

15.2K 1.1K 140
                                    

Habang naglalakbay ako patungo sa hilaga ay nahinto ako sa isang bayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang naglalakbay ako patungo sa hilaga ay nahinto ako sa isang bayan. Pinagmasdan ko ang mapang iniabot sa akin ni Haris at ang bayang ito... wala ang bayang ito sa mapa. Maliit lang ang bayang ito. Gawa sa mga kubo ang bawat tahanan, pagkapasok ko pa lang ng bayan ay para iilan lamang ang tao kong nakita.

Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang ngayon lang nakakita ng isang manlalakbay. Hindi kaya nakikilala nila ako? Baka naman alam nilang ako ang isang kriminal na tumakas sa Norton? Inayos ko ang pagkakasuot ng aking balabal hanggang sa matakpan ang aking mata.

Dire-diretso lamang akong naglalakad ngunit napatigil ako nung may batang bumunggo sa akin. Ang dungis nung batang ito at halos sira-sira na rin ang damit niyang suot. Naalala ko tuloy nung mga bata kami nina Avery at Parisa ay halos ganyan lamang ang suot namin kapag nag-iikot sa Norton. Mabuti na nga lang at tinulungan kami ni tatay David at kinupkop niya kami kung kaya't kahit papaano ay bumuti ang aming kalagayan.

Natumba ang bata sa sahig at tumingin siya sa akin, kapansin-pansin naman ang tamlay ng mukha nito. "T-tubig," wika niya sa akin.

No'ng una ay hindi ko ito naintindihan pero inulit niya pa ulit ito. "P-pahinging... tubig." Sabi niya na para bang hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

Dali-dali kong kinuha ang lalagyanan ng tubig ko na nakatali sa aking bewang at pinainom ang bata. Sunod-sunod ang kanyang paglagok na para bang ngayon lang nakatikim ng tubig makalipas ang mahabang panahon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"M-maraming salamat, ginoo. Maraming salamat!" Paulit-ulit niyang sabi habang naluluha. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapasalamat, ang tanging ginawa ko lang naman ay pinainom ko siya ng tubig.

Ilang segundo ang lumipas at nagtatakbuhan na ang lahat ng tao sa bayang ito. "Tubig! Tubig!" Paulit-ulit nilang bigkas.

Napatingin ako sa hawak kong lalagyan, para bang handang makipagpatayan ang mga tao rito para lamang sa tubig. Mataas akong tumalon at tumuntong sa bubong ng isang kubo upang maiwasan sila. 

"Pasensya na ngunit wala na rin itong laman," turo ko sa lalagyanan ko ng tubig. "At isa pa, hindi ko kayang painumin ang isang buong bayan." Dugtong ko pa.

Lahat sila'y nakatingin sa akin. Isang matandang lalaki ang naglakas-loob na lumakad tungo sa aking direksyon. "Ginoo, tulungan mo kami. Tulungan mo ang bayan namin."

Ang plano ko lang talaga ay dapat lalagpasan ko lang ang bayan na ito upang mabilis na makapunta sa bundok ng Ignis ngunit nung makita ko ang kalagayan ng mga tao ay para bang mahirap tanggihan ang mga mata nilang nanghihingi nang tulong.

Bumuntong hininga ako at tumalon pababa. "Ano po ba ang maibibigay kong tulong sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

Dinala nila ako sa isang kubo sa sentro ng maliit na bayang ito. Hindi man kalakihan ang loob nito pero sapat na itong lugar upang makapag-usap ng pribado. Isang matandang lalaki ang kasama ko ngayon sa silid at sa hula ko ay siya rin ang pinuno sa bayang ito.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon