Kabanata 42: Abandonadong bayan

12.8K 883 51
                                    

"Apat na maalamat na hayop na lamang ang kailangan nating patayin at matatapos na ang ating misyon!" masayang bigkas ni Isla habang kumakain kami ng isda na aming nahuli sa ilog na aming nadaaanan.

Saglit kaming tumigil sa tabing ilog upang makakain at makapagpahinga, siguro naman ay hindi na kami masusundan dito nila Avery o Kaia dahil malayo na ito sa bundok kung saan nananatili ang Bawa.

"Hindi dapat tayo makampante," wika ko sa kanila at napatango-tango si Jacko. "May isa't kalahating buwan na lamang ang mayroon tayo bago dumating ang Paglalaho. Kaunting oras na lamang ang mayroon tayo ngunit apat pang maalamat na hayop ang kailangan nating mapatay."

"Pero dahil tatlo na ang namamatay sa mga maalamat na hayop ay paniguradong mababawasan na ang malaking pinsala na mangyayari sa paglalaho." may punto rin naman ang sinabi ni Melia ngunit mas magiging malakas ang maalamat n hayop sa darating na paglalaho kung kaya't hindi dapat makampante.

"May paparating." naalarma kami sa sinabi ni Lucas ngunit mabilis niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang palitan ang anyo ng bawat isa.

Ilang minuto lamang ay lumipas ay may narinig kaming tunog ng karwahe na dumadaan. Isang matanda ang nagpapaandar samantalang may kasama pa siyang tatlong manlalakbay sa loob ng bagon. Mabuti na lamang at malakas ang panramdam ni Lucas, sa sitwasyon ng Sol Invictus ngayon ay itinuturing kami na pinakamasamang grupo sa mundong ito kung kaya't kailangan din naming mag-ingat.

"Kain po," alok ko sa mga manlalakbay at inangat ko ang inihaw na isda na aming naluto.

Ngumiti sa akin ang isang manlalakbay, hindi naman din sila mukhang masama at mukhang mangangalakal lamang sila na naglalakbay sa iba't-ibang panig ng mundo.

"Maraming salamat sa iyong alok ngunkt katatapos lang din naming kumain." wika niya at saglit niyang inihinto ang kanyang karwage sa aming tapat. "Mga manlalakbay din kayo, tama ba ako?" tanong niya.

"Oo." tipid na sagot ni Jacko.

"Kung gayon ay mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay at iwasan ninyo tumungo sa bayan ng Kamora at kahit sa gubat malapit dito," paalala sa amin ng matanda. Kilala naman talaga ang bayang iyon bilang kinattakutang bayang dahil itinuturing itong tirahan ng mga rebelde at masasamang loob. "Lubhang mapanganib ang lugar na iyon para sa gaya nating mangangalakal."

"Maraming salamat sa inyong paalala at susundin namin ito," ngumiti si Melia sa kanila na ngayo'y nsa matandang babae n anyo. "Hindi kami tutungo sa bayang iyon at nawa'y maging maayos din ang inyong paglalakbay."

Tuluyang nakaalis ang mga manlalakbay at hindi na sila sumabay sa amin kumain. Itinigil na ni Lucas ang paggamit ng kanyang mahika at bumalik na kami aa tunay naming anyo. "Panginoon, sigurado kang tutungo tayo sa bayang iyon?" bakas ang takot kay Isla. Bata pa rin talaga siya dahil mabilis pa rin siyang matakot sa mga nakakatakot na lugar.

"Iyon ang pinakaligtas na lugar para sa ating ngayon, Isla," paliwanag ko sa bata.

"Pinakaligtas? Pinamumugaran ito ng mga bandido, rebelde, at mga masasamang loob. Paano tayo naging ligtas sa lugar na iyon?" sabi ni Flavia.

"Magtiwala na lang tayo kay Basil, hindi niya naman hahayaan na mapahamak tayo. At isa pa, tayo ang Sol Invictus, is sa pinakamalakas na grupo sa mundong ito." paliwanag ni Melia.

"Kami lang," biro ko sa kasama at masama niya akong tiningnan. "Wala kang marka ng Sol Invictus."

"Ha! Hindi ko kailangan ang markang iyan para patunayan ang pagiging tapat ko sa grupo." depensa niya. Hindi ko maitatanggi na naging isa ng pamilya ang turing ko aa Sol Invictus, marami nang pinagdaanan ang aming grupo na magkakasama naming nilampasan.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon