Kabanata 57

10K 324 57
                                    

Kabanata 57, Call

Buong araw akong hindi gumalaw sa aking pwesto hindi na rin ako nakakain noong gabi. Nagkulong lamang ako sa kwarto. Nakarinig ako ng katok ngunit nang maisip nilang walang sumasagot ay umaalis din ang mga ito.

Hindi rin nila ako ma-contact dahil naiwan ko sa labas ang cellphone ko kagabi. Nawalan na rin ako ng pakealam.

Nakaramdam ako ng gutom pero wala akong gana.

Kinabukasan ay sobrang nanlata na ako. Hindi ko na kinaya ang gutom.

Dinampot ko ang puting teleponong nakalagay sa gilid ng aking lamesita upang makatawag ng room service.

"Yes ma'am? How can I help you?" Tanong niya. Sinabi kong magpahatid ng food at agad naman siyang um-oo. Kailangan ko lang daw maghintay ng sampung minuto.

Naghintay ako sa aking pwesto hanggang sa may kumatok.

Pagod ko iyong tinahak at sinalubong ako ng mukhang bata pang lalaki. Inabot niya sa akin ang pagkain bago ako nginitian.

"Ito po ma'am." Aniya.

"Salamat." Maikli kong sambit bago kinuha ang tray kung saan may soup, bread and baked eggs en cocotte.

Mas lalo akong nagutom kaya naman pagkasarado ng pinto'y agad ko iyong dinala sa maliit na lamesa upang makakain.

Goodness Ivana, you're exhausted emotionally and mentally, huwag mo namang isama pati katawan mo.

Muli kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib.

Kinagatan ko ang tinapay kasabay ng muling pag-alpas ng luha sa aking mga mata.

That's what you get for loving too much. Ito ang kinatatakot ko una pa lang. Unang paglipad pa lamang ng mga paruparo sa aking tiyan, unang kalabog pa lang ng aking dibdib.

Naisip kong dito ako babagsak.

I've never liked someone. Isa lang ang ginusto ko. At ayaw ko noon. Ayaw ko na.

Sinaktan ko siya pero ngayon ay nasa akin ang balik. Hindi ko alam pero parang dumoble! Bakit ba ganito ang napala ko?

Maybe it takes a lot of courage to dive into love... but only the fearless can continue to plunge deeper after your heart has been broken.

Caspian had my heart first. Mahal ko siya dati. Mahal ko siya hanggang ngayon.

Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ibig sabihin noon ay titigil na akong mahalin siya.

At hindi dahil mahal ko siya'y magpapatuloy pa ako. If distance is what he wants, then I'll give it to him.

Siguro'y talagang hindi lang kami para sa isa't isa.

Sapat nang nagkakilala kami. Sapat nang nagkaroon ng koneksyon sa amin.

Swerte ko nang nagawa ko ang mga bagay na hindi nagawa sa kanya ng iba...

Pinalis ko ang aking luha. Tumutulo iyon sa aking baba habang nginunguya ko ang pagkain.

Nang matapos ako'y nilagay ko na lamang iyon sa ibabaw. Mamaya na lamang ako tatawag ulit.

Pumasok na ako sa banyo upang makaligo. Nagbabad ako sa bathtub at tahimik na tumitig sa kisame.

It's approaching afternoon and I can't avoid him any longer.

Hindi ako pwedeng magkulong dito sa buong araw. Kailangan kong ipakitang saglit lang akong naging mahina.

Kailangan kong ipakitang kaya ko.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now