Kabanata 49

9.6K 201 10
                                    

Kabanata 49, Thanks

"We need to pack our things na!" Ani Ponnie habang inaayos ang kanyang maleta.

"I'm so excited!" Tili niya habang kinukuha ang ilan niyang undergarments upang mailagay sa kanyang maleta.

Sinabi na ni sir Kyle na pupunta nga kami ng Isola di Paradiso. Nagsearch na sila Devon sa lugar at nakikinig lamang ako.

Nandito kami kanila Ponnie dahil ang sabi niya'y magliligpit siya ng kanyang mga gamit at kailangan niya ng magsasabi kung dadalhin niya ba o hindi.

Wala sana akong balak pumunta ngunit ang sabi nila'y dederetso na kami Grand Cup Bistro kaya naman narito ako.

Ipinaalam ko na kila Devon na isasama ko si Carlos at nagsaya naman ang dalawa. Hindi ko naman sinabi na hinalikan niya ako kagabi dahil sa tingin ko'y hindi na iyon dapat pang ikwento.

Isa pa, iniisip ko kung paano ko siya ida-down.

Para akong binuhusan ng malamig sa naisip. Parang ideya pa lamang ay tumatanggi na ang aking sistema.

Mukhang masamang ideyang inimbita ko siya ngayon.

"Is this good?!" Ani Ponnie sabay taas ng floral top niya.

Umirap lamang si Devon at tumango. Buong oras akong nanonood sa kanila. Minsan ay tinatanong din niya ang aking opinyon pero most of the time kay Devon dahil wala siyang makuhang matinong sagot sa akin.

"Pwede bang mamaya ka na magligpit?!" Sita sa kanya ni Devon ng tumungtong ang alas siyete at hindi pa rin siya tapos.

"Isang week lang tayo roon! Susmiyo! Parang buong cabinet na dinala mo! May pa pili-pili ka pa!"

Nagsimula silang mag-away at ako naman ay hindi na mapakali.

Nabasa ko kasing papunta na raw sa bar si Carlos. Mariin akong napapikit.

"Come on, we don't want to be stuck in you room forever!" Tumayo na si Devon bago dinampot ang kanyang pouch.

"I'm leaving!" Bumaling siya sa akin. "Let's go Ivana."

Bago pa ako makapagsalita ay dinagit niya na ang aking braso paalis.

Walang choice na sumunod sa amin si Ponnie kahit panay reklamo ito. Tumawa lamang ako.

Sa biyahe ay nagbabangayan sila.

Wala pa nga akong naihahandang maleta, dahil kanina lang kami nasabihan. Ang katwiran niya ay nakalimutan niya raw akong sabihan dahil masyado raw siyang preoccupied sa ginawa kong posing.

Natawa lang ako sa kanya.

Lutang ako habang papunta. Nakatingin lamang ako sa labas habang cinocompose ang mga dapat kong sabihin.

Hindi ko na halos naramdaman ng tumigil ang kotse sa labas ng aming destinasyon.

"Finally!" Saad ni Devon at nagmamadaling lumabas. Sumunod na rin ako.

Mula sa aking pwesto'y rinig na rinig ko ang kantang 'go fuck yourself' by two feet. Umindak na si Devon sa aking tabi habang hinihintay namin si Ponnie na nagsasabi ng kung ano sa kanyang driver.

Nang tuluyan itong matapos ay agad na rin kaming tumulak papasok.

Patalon-talong pumasok si Ponnie at nakasunod lamang kami— ngunit halos lumundag din ako ng may kamay na lumulupot sa aking baywang!

Agad kong hinanap ang pinanggalingan noon at bumungad sa akin si Carlos! Nanlaki ang aking mga mata at imbes na masabi ang dapat kong sabihin ay natulala lang ako!

Pleasure Of Destruction | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon