Chapter Forty-six

Magsimula sa umpisa
                                    

Hays baby, please wake up na.

"Aray!" Biglang sigaw ni Kangta at nagpagpag.

"Ano bang meron?" Tanong ni BoA.

"Kinagat ako ng langgam! Ah!" Sagot niya at pinagpapatuloy ang pagpagpag.

"Sira! Baka hindi ka nagpapalit ng brief mo kaya nilalanggam ka na!" Sabi naman ni BoA sa kanya, kaya sinamaan niya naman ng tingin si BoA na walang pake.

"By the way, kumain ka na ba?" Tanong ni BoA.

Agad akong umiiling at ngumiti.

"Kanina pang breakfast yung huli kong kain."

"Oh? Past one na, you should eat. Kami na muna dito ni Kangta, sabi nila Jennie dun lang daw sila sa cafeteria sa baba." Medyo nagugutom na rin ako kaya sumunod nalang ako kina Jennie.

Naabutan ko silang umuorder kaya pinasabay ko nalang din yung akin. Isang rice lang naman yon saka isang order ng adobo, hindi naman kase ako ganun ka-gutom. Ewan ko ba, hindi ako nakaramdam ng gutom simula kahapon.

Naghanap nalang ako ng available seats at hinintay sila.

"Oh eto na food mo madam!" Abot ni Baekhyun sakin ng order ko. Mabilis lang naman sila naka-order dahil di rin naman masyado mahaba ang pila.

"Thanks Baek." Sagot ko nalang at nagsimulang kumain.

"Ansabe nung dalawa don? Inaway ka ni BoA?" Tanong ni Baekhyun..

Ba't ako aawayin ni BoA?

"Nangamusta lang saka may galit ba sakin si BoA? We're good, siya pa nga nag insist na kumain na ko." Tumango lang siya at nagsimula na ring kumain.

Nagulat kami nang biglang tumawa si Joy.

"Nababaliw ka na?" Tanong ni Wendy.

"Hindi gaga!  Naalala ko lang kasi si Irene kagabi pft!" Sagot niya at tumawa ulit.

Tumawa rin sila kaya pinagbabato ko sila ng tissue.

Mga leche!

"K-kailangan niya ko! Kailangan niya tayo! Suho!!!" Panggagaya ni Baekhyun kaya mas lalo silang tumawa.

"Sabi niyo okay lang siya?! Huhuhu!" Dagdag pa ni Yeri sabay punas sa pisngi niya na kunyaring may luha.

"Tangina niyo." Mas tumawa pa sila nang sabihin ko yon.

"Grabe kawawa si Suho kagabi pucha! Pinaghahampas mo gorl eh!" Sabi ni Baekhyun, oo nga pala, hindi pa ko nakakapag sorry kay Suho.

"Chansing din yung si Suho, kung nakita ni Seulgi na niyakap niya si Irene baka nakahiga na rin siya ngayon." Sagot naman ni Jennie.

"Gaga pero naisip ko, ano kaya talagang nangyari kay Seulgi? May lahi atang demonyo yung gumawa sa kanya non, halos maubusan siya ng dugo saka anlala ng mga pasa niya." Sabi naman ni Wendy.

"Ano madam? Tahimik ka lang diyan?" Bat ba lahat nalang napapansin netong si Baekhyun?

"Anong gusto mong sabihin ko bakla?" Tanong ko.

"Wala lang, baka lang umiyak ka ulet ngayon tapos hampasin mo rin kami ganon.." Sabi niya at kumain.

Hinigit ko ang ilang hibla ng buhok niya pababa kaya nasubsob siya sa kinakain niyang chicken curry. Dugyot amp!

Halos sumakit ang tiyan namin kakatawa dahil ang dugyot niya talaga tingnan, nilayo pa nila Joy yung tissue kaya pinagtitinginan na siya ng mga tao habang pinipilit niyang kunin yung tissue.

"Mga gaga kayo akin na yan!"

Hindi binitawan ni Joy ang tissue kaya nagulat nalang kami nang biglang hinigit ni Baekhyun ang braso niya at mahigpit tong hinawakan. Sobrang lapit ng mukha nila ngayon, kahit si Joy nagulat sa ginawa ni Baekhyun.

"Ibibigay mo o hahalikan kita?"

Shet.

Hindi na namalayan ni Joy na nakuha na ni Baekhyun sa kamay niya ang tissue at agad itong tumayo.

"Kadiri! Eww!" Back to bakla na siya.

Akala talaga namin kanina nagbalik loob na siya leche! Lalaking lalaking amp!

"Mandiri ka nga bakla! Sa susunod na ganunin mo ko babaugin kita!" Sigaw ni Joy at halata parin ang pagkapula ng pisngi.

"Trip mo pala si Joy Baek ah!" Kantyaw ni Wendy.

"In your fucking dreams! Gorl hindi ako magkakagusto sa higante! Mas bet ko bebequoh!" Sagot niya sabay lagay ng imaginary hair niya sa likod ng tenga niya.

Tinapos na namin ang pagkain namin at napagkasunduan nang bumalik sa kwarto ni Seulgi.

"Kelan kaya gigisng yang gagang yan? Nakakamiss din pala yon noh?" Sabi ni Baekhyun.

"Minsan iniisip ko matagal ka ng may gusto kay Seulgi, kanina si Joy, ngayon si Seulgi." Sagot ko habang naglalakad kami pabalik.

"Hoy babae mandiri ka nga! Kipay din gusto non at talong ang gusto ko, di kami talo!" Medyo napalakas ang sigaw niya kaya iniwan namin siyang pinagtitinginan ng mga tao

"Hoy mga gaga!" Narinig naming sigaw niya nang tumakbo kami palayo sa kanya.

Nakakahiya siya puta.

Pagpasok namin ng room, naabutan namin silang nakaupo sa tabi ni Seulgi.

Akala ko pagbalik ko gising na siya. Hays.

"Aalis na pala kami Irene, paki inform nalang kami pag gisng na tong lokong to." Sabi ni BoA, diniin pa niya yung word na loko at tumingin kay Seulgi.

"Okay, no problem. Ingat kayo." Sagot ko at nakipagbeso beso sa kanila.

"Hoy mga hinayupak!" Sigaw ni Baekhyun at hingal na hingal. Isa isa niyang sinambunutan sina Jennie.

Hinawakan niya ang buhok ko at hihilahin na sana nang biglang may nagsalita.

"Subukan mong saktan baby ko papalitan mo ko dito." Napalingon kaming lahat sa kama ni Seulgi.

Nanghihina siyang ngumiti samin.

Shit!

Baby gising ka na!

"Tititigan mo lang ba ko baby?"

Tangina ka Kang Seulgi!

~~~~~~~~~~
A/N: Saan pwedeng mapanood Scarlet Heart? Wala sa Viu pota aksksksks wag niyo na kong awayin, di na dedz si Seulgi 😂

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon