My Insecure Heart
Written by Lil jacob
Chapter 5
" ISA KA talagang malaking bwesit sa buhay ko, Kentflex Brent Ramirez!" Nanggigil talaga ako pag naalala ko ang lalaking iyon.
Nandito ako ngayon sa library nag-e-exert ng effort para lang ayusin ang designs ng poster na nilait ni Kentflex. Ang hindi ko matapos-tapos dahil hindi ako magawang makuntento sa sarili kong gawa. Naaala ko lang kasi ang panlalait ni Kentflex nung isang araw.
" O, kinakausap mo naman ang sarili mo diyan?" Natatawang wika ni Shanaih na hindi ko namalayan na nakalapit na pala.
" Si Kentflex na naman ang pinoproblema mo, ano?"
" K-kailan kapa naging mang huhula?"
She just smirked at me. " Bru, sa apat na taon natin sa paaralang ito, si Kentflex lang naman ang may talent na magpasimangot ng ganyan sa 'yo."
" Eh, kasi naman, nakakainis kaya ang lalaking iyon." Ikinuwento ko kay shanaih ang nangyari kahapon.
" Hmm, ang sweet naman pala ni Kentflex," Komento niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Shanaih.
" Ano'ng sweet do'n? Nilait niya kaya ang gawa ko. Bukod pa ro'n , minanduhan niya 'ko na kumain. Nakakainis kaya 'yon!"
" Nakita mo naman, dinalhan kapa niya ng pagkain. In Short, concerned talaga siya sayo . At para naman do'n sa pang lalait, hindi mo ba naisip na baka kaya niya yon ginawa ay para ma-push ka na gumawa ng posters na hindi malalait ng mga kapwa natin estudyante? It's a matter of perspective, you know. Feeling mo lang nakakainis kasi isinaksak mo sa isip mo na nakakainis si Brent. Pero kung subukan mong tingnan sa ibang angle ng actions niya, I'm sure na mamumulat ka sa kabaitan niya," mahabang pag speech ni shanaih.
" Never akong mamumulat sa kahit na anong kabaitan ng lalaking 'yon kasi wala naman syang bait sa katawan," deklara ko, wala akong pakialam sa sina sabi ng kaibigan ko.
Napailing-iling nalang ito. " Ewan ko sayo, ang tigas ng ulo mo. O siya, mauna na ako sa 'yo, ha?" Saglit nitong sinulyapan ang gawa ko. " Mukhang matatagalan ka pa diyan eh. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga. May sakit si Mommy."
Tumango na lang ako at nagpaalam na si Shanaih. Saglit na natulala ako sa kawalan. Bigla ay pumasok sa isip ko ang sinabi ni Shanaih. Was I really blinded by my hate for Kentflex? Bulag nga ba ako sa kabaitan niya?
" Nah, hindi siguro. As far as I'm concerned, bwisit ang lalaking 'yon sa buhay ko."
With that in mind, muli kong hinarap ang poster na hindi pumasa sa panlasa ni Kentflex. At dahil masyado akong absorbed sa ginagawa, hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Pag tingin ko sa relo ay lampas alas-otso na pala.
" Shit, mahihirapan akong umuwi nito!" Nagmamadali akong nagligpit ng mga gamit ko saka tumakbo palabas ng building. Only to stop when I saw that it was raining. Kapag minalas nga naman haysss.
Susugod ba ako sa ulan o magpapatila na muna. I chose to the latter dahil mukhang wala pang balak tumigil ang ulan. Tutal naman ay may waiting shed sa labas ng front gate kong saan do'n pwede akong maka silong.
Nang makarating ako sa waiting shed, basang-basa na ako. Hindi ko rin masyadong naramdaman na ganoon pala ka lamig. Halos Mangatog na ang mga tuhod ko sa sobrang ginaw at wala sa loob na napayakap ako sa sarili. Lihim akong nanalangin na sana ay may dumaan ng jeep na para hindi na ako magtatagal ang pagkababad ko sa basang damit.
Nanatili akong nakatayo ng may natanaw akong pares ng headlights. Bahagya akong nasilaw sa liwanag kaya napapikit ako. Ng magmulat ako ng aking mga mata ay tumambad sa harap ko ang isang itim na Honda Civic. Mula roon ay lumabas si Kentflex na may dala-dalang payong. Walang sabi-sabing inakbayan niya ako at isinilong sa hawak na payong saka iginiya papunta sa kanyang sasakyan.
Saglit ay, na speechless ako. Despite the cold rain, I could feel the warmth his body was giving off. And for some weird, inexplicable reason I found that warthm really comforting. "Teka, teka! Sinong nagsabi sa 'yong gusto kong sumama sa 'yo? Bitawan mo nga ako!" Protesta ko na hindi naman nya ako pinakinggan. Sa halip ay mas lalo pa nitong diniinan ang paghawak niya sa aking balikat. Binuksan niya ang passenger seat at padarag na pinapasok ako do'n. Ibinagsak niya iyon pasara at kahit na anong pilit kong buksan ay hindi ko magawa.
Nang makaupo na sa driver seat si Kentflex sinikmatan ko ito. " Pabaain mo ako! May paparating na jeep, baka hindi ako makasakay."
He merely gave me a bored look. "Forget it, bababa kalang sa kotseng ito kapag nasa tapat kana ng bahay n'yo."
"What? Don't tell me ihahatid mo 'ko?
Napanganga ako ng tumango ito at sinimulang paandarin ang kotse.
" I'm a good person. I can't just leave helpless person under the rain. Kapag nagkasakit ka. Kasalanan ko pa. Kapag nagkasakit ka. Wala ng gagawa ng mga poster. Hassle 'yon para sa 'kin."
" No, ibaba mo 'ko. Ayukong magpahatid sayo! Ayukong magkautang-ng-loob sayo!" Malakas na protesta ko, pilit ko paring sinusubukang buksan ang pinto ng kotse. But to no avail, ayaw talaga.
"Tigil-tigilan mo yang katigasan ng ulo mo, Chloe. Don't tell me, uunahin mo pa ang pride mo? You're soaking wet at kung hindi ka magpapalit agad, malamang ay sisipunin kana naman. Ang hina pa naman ng resistensya mo, ang bilis mo magkasakit." Sita nito sa 'kin.
"I told you, ayukong magkautang ng loob sa 'yo!"
" stop being stubborn. Hindi ako makikinig sayo. Ang mabuti pa, ay manahimik ka nalang diyan at mag isip ng paraan para bayaran ang utang na loob na sinasabi mo. Kung iyon ang ikakatahimik ng loob mo." Tila napipikon na suhestiyon nito.
Inirapan ko nalang siya, tapos inalis ko ang tingin sa kanya. Dahil naka bukas ang aircon lalo akong gininaw. I hug myself at parang napansin ito nu Kentflex.
"See? You're already shivering. Pagkatapos sabihin mo sa 'kin. Pabayaan kita?" Sabi nito.
Hindi nalang ako kumibo dahil alam ko namang tama sya.
" Bakit tumigil ka?"
Kumuha ito ng jacket sa backseat at iniabot ito sa 'kin. "Here, isuot mo muna. Papatayin ko na rin ang aircon para mabawasan ang lamig."
" teka, saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong ko ng akma na syang lumabas.
"I'm just going to buy something." Simpleng sagot nito. " Don't try to escape malilintikan ka talaga sa 'kin."
I rolled my eyes. "Oo na. Hindi na."
: )
" Good."
Seriously, kung aalisin lang talaga nito ang pagiging antipatiko, I could say that he was kind of nice.
Lil jacob :)
YOU ARE READING
My Insecure Heart ( PUBLISHED Incomplete )
Teen Fiction" I can always wait. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo nang sabihin na mahal mo din ako. " Si Chloe na siguro ang pinaka-average na babae na pwedeng makilala sa campus nila. Hindi siya kagandahan, hindi matalino, at l...
