My insecure heart
Written by Lil_jacob
Chapter 4
Chloe POV
BUSY ako sa paggawa ng mga poster para sa mga candidates ng Date Auction na gagamitin namin para sa pag advertise sa Facebook, Twitter, at Instagram . At dahil medyo may alam din naman ako sa pagamit ng Adobe Photoshop, at dahil wala na akong magawa dahil kinuha na ni Kentflex ang task sa pag kausap sa mga taong io-auction namin, kaya ito nalang ang ipinapagawa sa akin ng Baliw na yon.
Hays nakakapagod, malapit na akong matapos sa aking ginagawa ng may biglang may naglagay ng kung ano sa mesa. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang naka-plastic pang take-out meal mula sa Jollibee.
" Ano namang pakulo 'yan?" Tanong ko sa kanya na nakatayo sa harap ko itinulak nito papalapit sa akin ang supot ng pagkain at naupo sa harap ng mesa.
" Past two na. Kanina ka pa diyan. Mag lunch ka muna," anito sa mahinang tinig, bakas nito sa mukha ang concern.
Binigyan ko siya ng nagdududang tingin. " Kailan ka pa naging concerned sa 'kin?"
" Huwag kang masyadong mag-ilusyon. Hindi ako concerned sayo. Asa ka pa. Naisip ko lang na baka umatake na naman ang ulcer mo kapag nalipasan ka ng gutom. Mahirap na, wala na akong pwedeng pagawain ng mga boring na tasks."
Sinabi ko na nga at pinagtitripan lang ako nito. Kairita lang talaga ang antipatikong lalaking ito. Nakasimangot akong tiningnan ang pagkain, pagkatapos ay muli kong ibinaling ang atensyon sa computer screen. Asa siya na kakainin ko ang pagkain na bigay niya. Kahit na gutom na ako, nunca na tatanggap ako ng kung ano mula sa kanya. Mahirap na, baka mamaya ay isumbat pa ito sa 'kin.
Napansin niya siguro na wala akong balak kainin ang bigay nitong pagkain kaya muli naman niya akong kinulit. " Ang sabi ko, kumain ka na," muli ay utos nito.
Hah! The nerve! Por que ba siya ang president ng org, palagi nalang siyang aastang boss? Sorry nalang, wala akong balak maging api-apihan. Hindi ko siya papansinin.
" You really like to piss me off, don't you?"
Hindi ako kumibo, nagpatuloy lang ako sa pag-e-edit ng pictures. And because Kentflex Brent Ramirez was not used to being ignored, napikon yata ito.
Umikot siya papunta sa kinaroroonan ko at umupo sa upuan sa tabi ko. Hinawakan niya ang ang magkabilang gilid ng swivel chair na kinauupuan ko at pilit itong hinarap sa kanya.
" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nanlaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko ma-gets kung ano ba ang problema niya.
Sa halip na sagutin niya ako ay inabot nito ang pagkaing inisnab ko saka binuksan at inilagay sa ibabaw ng hita ko. Kinuha niya ang utensils at pilit na inilagay sa magkabila kong kamay.
" Eat " puno ng awtoridad ang kanyang tinig.
Napasimangot ako. " Sabi ng ayuko. Busy pa ako at ayaw kong kumain ng kahit na anong bigay mo," naasar na sagot ko. Muli kong binitiwan ang kutsara't tinidor at akmang ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko ng muli nya akong hinarap. " Please eat, Chloe. Huwag ng matigas ang ulo. Masama sa may ulcer ang nalilipasan ng gutom." Napipilan ako. Kung paano niya nalaman na may ulcer ako wala akong ideya. Then now, wala roon ang isip ko kundi sa tono ng boses niya.
Sanay ako sa Kentflex Brent na nakakainis at palaging nang aasar. Hindi ko kayang i-handle ang ganitong Kentflex Brent----- mabait at tila nag aalala sa kalagayan ko. Before I knew it, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na inabot ang utensils na kanina lamang ay binitiwan at sinimulan kong kainin ang bigay nito.
Sa puntong iyon isang malapad na ngiti at bigla na lamang sumulpot ang gwapong mukha ni Kentflex. Sandaling natigil sa ere ang akmang pagsubo ko at napatameme ako. He looked so good when he smiled. Not that he was ugly when he was not smiling iyon nga lang, masyado itong nagmumukhang unapproachable kapag hindi naka ngiti. I guessed that it was because of his aristocratic features.
Kapag naka ngiti siya, mukhang napakabait, napaka-friendly, iyong tipong parang madaling abutin. Malayong-malayo sa lalaking kinaiinisan ko. Siguro kong palagi syang ganito, hindi marahil ako masyadong mainis sa kanya. Kundangan naman kasi at kaya naman pala nitong maging nice pero hindi naman ginagawa araw-araw.
" Ito ba 'yong design ng poster natin para sa Date Auction? " mayamaya ay tanong ni Kentflex , nakatuon ang atensyon sa monitor ng laptop kung saan naiwan ko na naka balandra ang aking ginagawa.
" Ah, yeah. Pero 'di ko pa tapos, madami pa kong kailangang gawin," Defensive na sagot ko, bahagyang kinabahan ako sa reaksyon niya. Nakakunot kasi ang noo nito, tila hindi nagustohan ang nakikita.
Hindi ko alam kong bakit pero mula noon hanggang ngayon, isa si Kentflex sa mga tao na tila napakahalaga para sa akin ang opinyon. Next to my mom, kaya nitong sirain o itaas ng husto ang self-esteem ko simpleng papuri o panlalait lang. I hated myself for caring about his opinion so much. Hindi pa ba sapat ang opinyon ni nanay sa mga dapat alalahanin at kailangan pang dumagdag ang lalaking ito?
" Chloe, this is not even acceptable. Ang pangit ng design mo. Hindi ako papayag na ito ang gagamitin natin. Wala kabang ibang design na pwedeng maisip? Seriously? "
Napasimangot ako at napahinto sa pagkain. Bigla akong nawalan ng gana. " Sabi ko naman, 'di ba? Hindi pa tapos 'yan," napipikon na depensa ko. Lumapit ako sa computer at bahagyang itinulak ko si Kentflex, pagkatapos ay mabilis na isinara ko ang window para sa Photoshop.
" Hindi pa nga tapos pero sa overview palang, halata ng pangit. Kailangan mong ayusin 'ti. Hindi pwede ang ganito," nailing-iling pang dagdag niya.
Lalo lang tuloy napasimangot ako. Pambihira naman talaga ang lalaking ito kahit kailan. Ni hindi ko pa nga masyadong na enjoy ang kabaitan niya, humirit na agad ng panlalait.
Nakaka-bad trip talaga.
" Oo na, aayusin ko po, Your Highness, " Sarkastikong sagot ko, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain kahit pa nga nakakainis talaga siya.
Lil jacob
To be continued...
Please vote! Thank you !!!
YOU ARE READING
My Insecure Heart ( PUBLISHED Incomplete )
Teen Fiction" I can always wait. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo nang sabihin na mahal mo din ako. " Si Chloe na siguro ang pinaka-average na babae na pwedeng makilala sa campus nila. Hindi siya kagandahan, hindi matalino, at l...
