MY INSECURE HEART
Written by Lil_jacob
Dedicated to kayceelicious21
Chapter 2
PUMASOK na ako sa opisina ng BusAd. Nakasulubong ko sa pintuan ang mga kapwa ko officer na palabas na ibig sabihin tapos na ang meeting? Lihim akong napaungol. Malamang iniisip naman ng mga ito na tumakas ako sa meeting. Mabilis kong nilapitan sa Kentflex na nakaupo sa isang sulok ng malaking table na nakapagitna sa aming opisina para komprontahin ko. Naka focus ito sa kanyang laptop kaya siguro hindi mn lang niya napansin ang pagdating ko. Malakas kong ibinagsak ang aking mga kamay sa malaking table at itinukod ko ito. Tinitigan ko siya ng matalim. Nainis talaga ako!
" Bakit hindi mo naman ako sinabihan?" Gigil na sita ko
Nag angat siya ng tingin sa akin " I forgot " balewalang sagot niya at muling binalik ang atensyon sa kanyang laptop ng mas lalo kong kinainis. " 'Wag mog ngang bilugin ang ulo ko. 'Yan din ang dahilan mo last time. Hindi ako kasing talino mo pero hindi ako tanga, Kentflex."
Bumuga sya ng malakas na hangin. Kinuha nya ang isang papel na nakapatong sa mesa saka inabot ito sa akin. " Read this ."
Naguguluhang inabot ko ang papel. It was the project plan for the upcoming Valentines Day.
Nakasulat lahat ang mga plano nila para sa Date auction at Valentine's ball, ang mga task na kailangang gawin at ang mga taong naka assigned sa bawat task.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kong sino ang maka partner ko sa project na ito. According to this piece of paper, na assigned sa amin ni Kentflex ang marketing campaign at ang pagkausap sa mga taong isasali sa auction. At mas lalong namilog ang aking mga mata ng mapunta sa listahan ng ibebenta ang aking atensyon. Because right there, at the very bottom of the list was my very own name! " Ano to? Lokohan ba 'to?" Naiiritang usisa ko sa kanya.
Nakita kong Kalmadong-kalmado lamang ang Kentflex na 'to na tila walang pakialam sa galit ko, kaya halos umusbong na ang inis ko.
" Palagay mo may oras akong makipaglokohan sayo?"
" Then explain this to me!" Asar na sigaw ko sabay bagsak ng papel sa harap niya. " Ipaliwanag mo kong bakit sa lahat ng pwede kong kapartner, ikaw pa? And most importantly, ipaliwanag mo kong bakit kasama ako sa listahan ng io-auction?" Pakiramdam ko talaga parang matutuyuan ako ng dugo sa inis. Nang maisip ko na makasama ko siya ng madalas ang taong ito sa pag aasikaso ng kahit na ano'y isang parusa na sa akin, pagkatapos isasama pa niya ako sa mga ibebenta?
Okay lang sana kong kagandahan ako e, kung may bibili sa akin. Kaso, hindi. Magiging tila tinindang isda lang ako na langawin sa araw ng Valentines Day.
Gezz, pwede ba burahin nalang sa calendar ang Valentine's day?
" Huwag kang umasta na parang kasalanan ko kung bakit ka na-assinged sa mga 'yan. 'Yong ibang officer ang ang nag-decide ng lahat ng 'yan. Dahil wala ka naisip nila na i-partner ka nlang sa 'kin. Perhaps they think of you as incompetent and that you need me as your partner to compensate for your, you know, incapability. " Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Kentflex . He was obviously mocking at me, at Hindi ko magawang ma-replayan ang mga sinabi niya dahil totoo naman 'yon. My orgmates really noticed me as an incompetent officer. Para siguro sa mga tao sa org namin , ako ang pinaka weakest link. I think hindi na ako magugulat kong bakit ako sinama ng mga ka orgmates ko bilang isang masamang joke.
Pinagkiskis ko ang aking ngipin in frustration. Wala naman akong maisagot kay Kentflex dahil obvious naman ang point nito.
Tumaas ang isang kilay ni Kentflex. " Wala kang masabi ano? Kasi totoo?" Lalo lang lumapad ang nang iinsulto nitong ngiti ng hindi ako makasagot. Isinara na nito ang laptop at isinilid sa bag, pagkatapos ay tumayo at naglakad patungo sa pintuan.
Sandali itong sumulyap sa akin.
" Kung ako sayo, sa halip na inaaksaya mo ang oras mo sa pagrereklamo sa 'kin, gumawa ka nalang ng paraan para maging presentable ka naman sa Valentine's day. You still have two weeks, you know. Or mag isip ka nalang ng paraan kung paano mawawala ang Valentines day sa calendar."
Iyon lang at iniwan niya na ako na nanggigil sa sa sobrang inis.
-
" CASSANDRA, sige na naman, o. Makipagpalit ka sa 'kin! Ikaw nalang ang pu-martner kay Kentflex. Sige na please? " halos lumuhod na ako sa sahig sa pakikiusap ko kay Cassandra kapwa officer ko sa BusAd society. Pang apat na siguro si Cassandra na kinausap ko para lang makipagpalit sa 'kin at sa reaksyon niya, feeling ko pang apat na din itonitong tatanggi sa akin.
" Sorry, Chloe, ayoko talaga. Alam mo naman na halos lahat takot na makasama si Kentflex dahil masyado syang perfectionist. Babalatan ako ng buhay n'on kapag siya ang nakasama ko!"
" Sige na, maawa kana sa 'kin, o! Alam mo naman na mainit ang dugo n'on sakin eh. Sigurado, disaster ang mangyayari sa next two weeks ng buhay ko kapag Hindi ka nakipagpalit sa 'kin."
Nakita ko sa mukha ni Cassandra na naawa sya sa 'kin akala ko papayag na sya, pero iba ang sinabi niya .
" Sorry talaga, pero ayoko. Ikaw naman kasi eh, bakit di ka um-attend ng meeting? Hindi ka tuloy naka pamili ng maka partner mo. Yan tuloy na stuck ka sa sitwasyon na yan."
Bago ko pa ma depensehan ang aking sarili ay tinawag na si Cassandra ng kanyang boyfriend.
" Mauna na ako sayo ha? May pupuntahan pa kasi ako eh. Sorry talaga kong hindi ko mapagbigyan ang hiling mo. Next time nalang."
" next time? Seryoso kaba? Next time na magkita tayo , I'm sure , baliw na ako sa kunsimisyon. Either that or murderer na ako,"
Pagkasabi ko sa kawalan na para bang nandito parin si Cassandra.
I breath deeply sa sobra ko na frustration. Pag baling ko kabilang direksyon ay nagulat nalang ako ng makita ko si Kent flex na nakasandal sa pader ng hallway. He was once again giving me his signature derisive stare. Napasimangot na lamang ako. Why must this guy appeare every time na naiinis ako? Gusto ba talaga ng langit na maging kriminal ako?
DU LIEST GERADE
My Insecure Heart ( PUBLISHED Incomplete )
Jugendliteratur" I can always wait. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo nang sabihin na mahal mo din ako. " Si Chloe na siguro ang pinaka-average na babae na pwedeng makilala sa campus nila. Hindi siya kagandahan, hindi matalino, at l...
