MY INSECURE HEART
Written by Lil_jacob
Dedicated to Shawnexx
Chapter 1
CHLOE POV
Nag akma na akong tumalikod upang sa ibang lugar nalang ako magpalipas oras. Subalit biglang nagbago ang isip ko ng maisip ko na wala naman akong mapupuntahan na bukod sa tahimik para may pagsaksakan ako ng laptop para may pagka abalahan.
7am palang kaya hindi pa bukas ang library at canteen. Alas nuebe kasi ang official time na magbubukas ang nasabing lugar.
Sinulyapan ko si Kentflex. Natutulog naman ito baka pwede kong pagtiyagaan ang itong classroom namin. Dahan- dahan akong humakbang papunta sa aking upuan, nanalangin ako ng pabulong na sana ay wag itong magmulat ng mga mata hanggang sa dumating ang professor namin. Wala ako sa mood makipag away ngayon.
But the gods must have another plans in mind. Hindi paman ako nakakalimang hakbang ay natalisod na ako sa kong anong bagay na nakakalat sa sahig. Na hila at nahawakan ko tuloy ang upuan na malapit sa akin to prevent my self from falling but did it not save me sa inakala ko.
Bumagsak parin ako at nahila ko rin pabagsak ang armchair na nahawakan ko. Napangiwi ako sa pinagsamang sakit sa tuhod ko at frustration. So much for not waking Kentflex up. Sa lakas ng kalabog na dulot ng eksenang ginawa ko, abnormal lang ang Hindi magigising.
Nainis na nilingon ko ang bwesit na na bagay na dahilan ng eksenang nagawa ko. Isang bwesit na walis tambo . Gusto kong sakalin ang kong sino man ang nag iwan at nagkalat dito.
" Kahit kailan, ang lampa-lampa mo talaga." Narinig kong sabi ni Kentflex na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin. Bago pa ako mag angat ng tingin ay may naramdaman na akong humawak sa aking balikat at marahan akong inalalayan upang maka tayo.
At pagtingin ko sa kanya, I was so welcomed by Kentflex's handsome but not so friendly face. Salubong ang mga kilay nito at masama ang tingin sa akin ng hindi ko alam na kadahilanan.
" May masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?" Seryoso nitong tanong habang iniinspeksyon ang mga binti ko. Ng makita niyang wala namang damage ay muli itong tumingin sa gawi ko.
" Wala, okay lang ako. Salamat sa tulong mo." Sincere na pagpapasalamat ko. Hindi ko talaga inexpect na tulungan niya ako. Ang totoo ay, inakala ko na asarin niya naman ako sa kalampahan ko.
Malakas na napabuga ng hangin tong lalaking to, pagkatapos ay pa iling-iling itong sinermunan ako, salubong na salubong ang mga kilay nito.
" Sa susunod, pwede mag ingat ka? Just so you know, naabala ng kalampahan mo ang pagtulog ko."
Agad na naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam ko naman 'yon. Hindi talaga makontento ang lalaking ito na hindi ako bwesitin. " Kasalan ko ba kung may nakakalat na walis tambo sa sahig? In the first place, hindi ba't nauna kang dumating? 'Di ba dapat naisip man lang ng matalino mong utak na itabi ang mga iyon?"
" 'Di ba, dapat naisip man lang nang Mala mong utak na tingnan ang dinaraanan mo?" Balik tanong niya sa akin. Na lalong nag pataas ng level ng inis ko.
" Sino'ng tawag mong mala ang utak?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
" May nakita ka bang ibang tao na kausap ko?" Iling-iling na tumalikod na ito.
" Ezzz, nang magsabog ang Diyos ng positive traits, tulog na tulog ka siguro."
Bahagya akong natigilan. Those words again, halos kapareho lang iyon sa sinabi ni nanay kaninang umaga.
Ang kaibahan lang, kong ang mga salita ni nanay kanina ay nakakasama ng loob, ang salita naman ni Kentflex ay sadyang nagpapataas ng aking presyon.
" I hate you," mahinang sabi ko, nakita kong napatigil siya sa paglalakad bago siya lumingon sa akin.
" Normal girls would tell me that they love me. I guess I'm not surprised that you're telling me the opposite. Obvious naman kasi na hindi ka talaga normal." Nakingisi nitong sabi . and knowing him, alam kong naiinsulto na naman niya ako.
Naasar talaga ako, lumakad nalang ako at nagpasyang sa ibang lugar nalang ako tumambay. 'Di bale na kong mainit at walang mapagsaksakan ng laptop. Ang mahalaga ay malayo ako sa lugar na iyon habang nag uumapaw ang inis ko.
Baka kasi pag magtatagal pa ako sa lugar na 'yon ay makagawa ako ng krimen : murder, at ang biktima ko ay walang iba kundi si Kentflex Brent Ramirez.
" MALAPIT na ang Valentine's day!" Tila wala ng bukas na tili ng kabigan kong Shanaih habang papalapit sa akin.
Tumambay kami sa isa sa mga bench sa garden sa harap ng paaralan namin. Ilang oras pa kasi bago ang susunod na klase. Nauna na ako dito dahil bumili pa si Shanaih ng meryenda sa canteen.
" O, eh, ano ngayon?" Bale-walang sabi ko, habang nagbabasa ako ng latest issue sa school namin.
" Ano pa? Eh, di mag kakaroon na naman auction! Sigurado ako, kasama na naman doon si Xander. May chance na uli ako na bilhin siya for one day!" Tila bulateng di mapakaling sagot niya.
I rolled my eyes. " Just like other girls who are gaga about him. Seriously, Shanaih, i give up mo na ang walang sure na love mo diyan ka Alexander. "
Si Shanaih Catherine Almana ang college best friend ko. magkaibigan kami simula nung magkasabay kaming mag pa enroll. At mula noon magpahanggang sa ngayon ay iisang lalaki lang ang palaging sinasabi nito.
Mula kasi noong magkabungguan ang mga ito noong unang enrollment namin, crush na crush na ni Shanaih si Alexander Monteverde. Pareho sila ng kurso kaso magkaiba sila ng block.
Every year ay may ginaganap na Valentine's date auction sa organization namin tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Pumipili kami ng pinakasikat na babae at lalaki sa college at ina advertise sa publiko. Kong sino ang pinakamataas na bid ay may chance na maka date ang taong naka auction sa Valentine's ball na ganapin pagkatapos ng date auction. Every year ay nag bi-bid itong si Shanaih para kay Xander. At taon-taon din itong natatalo. It was really pathetic.
" Hindi ito walang sure na love as you might like to think. It's true love," nakasimangot pa na katwiran ng kaibigan ko. " Palibhasa kasi bato yang puso mo, kaya hindi mo maintindihan ang nararamdaman ko. At, diba kaibigan kita? Bakit di mo 'ko ssinusuportahan sa happiness ko?"
Dahil hindi na ma take ang kadramahan nitong si Shanaih binatukan ko ito. " Malala kana talaga Shanaih Catherine."
Ngumisi lang ito sa akin. " Sama ako sayo pagpunta mo sa meeting n'yo. Para may dahilan akong tumambay sa labas ng office nyo. May chance na magkita uli kmi ngXander ko."
Magkaharap lang kasi ang opisina ng org namin at ang opisina ng students council kaya palagi itong sumama si Shanaih sa akin para makasilay daw siya sa crush nitong si Xander.
Napatigil ako sa sinabi nito. " Huh? Anong meeting? " naguguluhang tanong kom
" Narinig ko kanina sa Kentflex eh. Nagpapatwag siya ng meeting sa mga BusAd Society, " tinutukot nito ang official org ng course namin. " Hindi ko nga lang sigurado kong anong oras "
Napasimangot ako sa sinabi ng bestfriend ko. " Nakakabwesit talaga 'yon, hindi na naman ako sinabihan."
Vice president ako at si Kentflex naman ang president sa aming org. Aksidente lang ang pagiging officer ko. Aksidenteng hindi din yata nagustuhan ni Kentflex dahil he always excluded me for every meeting.Kagaya nalang ngayon madalas tuloy napupunta sa akin ang mahihirap at challenging na tasks.
" May galit talaga sayo ang lalaking yon, ano? Ano ba kasing ginawa mong masama sa kanya?"
" Excuse me, wala akong ginawang masama sa kanya. Siya nga itong wala ng ginawa kundi bwesitin ako."
" Hindi kaya may gusto siya sayo?" Tanong ni shanaih
Napangiwi ako. " Kilabutan ka nga sa sinabi mo Shanaih!"
" Ano naman ang nkakilabot don? Gwapo naman siKentflex, ah. Matalino pa, responsable at mayaman. Kung hindi mo alam, kasama kaya si Kentflex sa Heartthrobs ng university natin."
" Gwapo nga pero masama naman ang ugali." Sabi ko
" Baka nga kasi nagpapansin lang siya sayo." - Shanaih
I rolled my eyes. " Ikaw na rin mismo nagsabi, gwapo siya, matalino at mayaman. Almost perfect. Sa palagay mo ba, may chance na magustuhan niya ang isang katulad ko?"
Napailing si shanaih. " ayan ka na naman eh , Minamaliit mo naman ang sarili mo. Ano ba ang Nangyayari sayo at ang baba ng self-esteem mo? It wouldn't hurt if you love yourself a little, you know."
Hindi ako kumibo. Paano ko ba mapaintindi sa kanya na hindi madali ang sinasabi nito?.
" 'Wag mo na kasing ipilit yung idea mo tungkol sa amin ni Kentflex malabong mangyari yan." Pag iba ko ng usapan.
" Ang mabuti pa ay pupunta na ako sa meeting. Baka sakaling umabot pa ako."
Akmang tatayo na rin si Shanaih para sumunod sa akin pero pinigilan ko siya. " And no, hindi ka pwedeng sumama. Tantanan mona si Xander. Masyado ng matagal ang four years sa pag hahabol-habol mo sa kanya."
Tinalikuran ko siya at hindi na nakipagtalo pa. Nagmamadali akong pumunta sa opisina ng org namin para harapin ang aking kaaway.
YOU ARE READING
My Insecure Heart ( PUBLISHED Incomplete )
Teen Fiction" I can always wait. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo nang sabihin na mahal mo din ako. " Si Chloe na siguro ang pinaka-average na babae na pwedeng makilala sa campus nila. Hindi siya kagandahan, hindi matalino, at l...
