My insecure heart
Written by Lil_jacob
Dedicated to ayenne
Chapter 3
" You really pathetic."
Napatigil ako sa paghakbang at napalingon ng wala sa oras.
" Ano'ng sinabi mo?"
" Ang sabi ko pathetic ka."
Aba't inulit pa talaga ng bwiset! Nainis akong lumapit sa kanya. Dahil mataas tong lalaking 'to nakatingala nalang ako dito.
" Binubwisit mo naman ba 'ko? Sino'ng tinatawag mong pathetic?"
" Ikaw malamang, alangan namang yo'ng sarili ko? And nope, I'm not annoying you, I merely stating a fact."
" at kailan pa naging fact na pathetic ako?" Sabi ko
His lips curved upward. Hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang hitsura nito kapag ngumiti ito ng totoo sa halip na itong lagi kong nakikita na mang aasar na ngiti. Ang gwapo siguro nito? Hell no!
And yeah, I had gone mad. Kung hindi ako nababaliw, hindi papasok ang ganoong klaseng thoughts sa utak ko.
" aren't you trying to run away from your duty? Hindi ba pathetic ang mga ganoong klase ng tao?"
" Hindi ako tumakbo sa responsibilidad ko. Ayaw lang kitang maka partner," katwiran ko
" Eh, di pathetic ka nga." Hinaklit niya ang magkabilang balikat ko saka isinalya sa pader na kanina lang ay kinasasandalan niya. Napa nganga ako sa pagkabigla.
" if you hate me thar much, Hindi mo kailangang pagmukhaing tanga ang sarili mo at mag maka awa sa kong sino para lang maiwasan ako. Sabihin mo nalang na ayaw mo at ako nalang mag isa ang mag aasikaso ng tasks natin para sa date auction. "
Hindi ako nakagalaw. Ano ba ang aking ginawa at nagkaganito si Kentflex? Nainsulto ba siya dahil ayaw ko siyang makasama? Pero bakit parang mas galit pa ito sa pagmamakaawa ko kay Cassandra? Ng muli ko siyang tingnan napansin kong ang lapit lapit na pala ng mga mukha namin sa isat-isa. I could feel his breath fanning my forehead. Bigla ay lumakas ang kalabog ng puso ko. Dahil do'n ay bigla ko tuloy siyang naitulak.
Mukhang natauhan naman ito kaya kusa na itong bumitaw. Wala parin sa sarili ko na tinalikuran ko siya at lumakad papalayo.
" Sige, takbuhan mo ang project na 'to dahil lang ayaw mo sa 'kin. Prove to me how pathetic you are. Patunayan mo sa 'kin kong gaano ka kaduwag na harapin ang mga bagay na ayaw mo. Anyway, makakabuti nga 'yon para sa 'kin. At least, a loser like you won't cramp my style. "
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Hinahamon niya ba ako? Pwes, hindi ko ito susukuan. Muli ko siyang nilingon saka pinag taasan ng kilay. " Sinong nagsabing tatakbo ako? Nag iilusyon ka, Kentflex Brent Ramirez. Ngayon pa lang, manalangin kana na 'wag ma-cramp ng loser na 'to ang style mo. Kasi hinding-hindi ko susukuan ang mga tasks na ibibigay mo, itaga mo yan sa bato!" Pakiramdam ko tuloy ay nga i-slow motion ang paligid ko ng dahan-dahang ngumiti si Kentflex. Tama nga iniisip ko kanina. Mas gwapo sya kapag ngumiti siya ng totoo. At hindi ako masyadong nakapaghanda sa kagwapohan niya.
" Well, then, see you tomorrow. Bukas na tayo magsisimulang mag trabaho." Iyon lang at mabilis itong tumalikod.
Wala sa loob na nahila ko ang aking mahabang buhok. So much for evading him. Ako pa mismo ang ang naglagay sa sarili ko sa mga kamay niya. " Stupid, stupid, stupid!"
" KAUSAPIN mo ang lahat ng tao diyan sa listahan. Kailangang mapapayag mo sila na magpabenta sa auction natin. In-demand sa mga estudyante ang mga 'yan kaya paniguradong magdadala sila ng malaking profit sa event natin."
Kagaya ng pinag usapan kahapon, ngayon sisimulan na namin ni Kentflex ang pag-aasikaso sa aming mga tasks. Magkasama kami nayon sa canteen para pag usapan kung alin sa mga tasks ang mapupunta sa amin. At apparently, isa nga sa mapupunta sa akin ang pagkausap sa mga taong gusto naming ibenta.
Napangiwi na lamang ako habang tinitingnan ang listahan nasa mga twenty ang mga taong balak ibenta ng org, most of them ay hindi ko naman masyadong kilala.
" Paano ka naman nakakasiguro na mapapayag ko ang mga 'to? Ang sarili ko nga , hindi ko makumbinsing sumali, sila pa kaya?" Reklamo ko.
He raised an eyebrow at me. " Kung may oras ka ngayon para magreklamo sakin, malamang kaysa hindi, may oras ka rin para kausapin sila. Tama ba ako?."
Kahit kailan talaga , walang pakisama ang lalaking 'to. Muli kong tiningnan ang hawak kong papel. Namilog ang aking mga mata ng makita ko ang isang pamilyar na pangalan. Bakit hindi ko ito agad napansin nung una? " Haru Miranda " mahinang basa ko, isang malaking ngiti ang nagawa ko. " Yes! Kasama pala si Haru!"
" ano naman ngayon kong kasama sya?" Kunot noong tanong ni Kentflex.
I smiled at him. " Well, kahit paano pala ay may mapapala ako sa event na 'to. Makakausap ko ang crush ko."
Tiningnan ako ni Kentflex at ngumiting may halong pang aasar. " As far as I'm concerned, Haru miranda is two years our junior. "
Napangiwi ako, kahit kailan panira talaga ng moment ang lalaking 'to. " Ano naman? Masama bang magka-crush sa mas bata sayo?"
" Sa kaso nyo ni Haru, oo. Mukha na kayong mag nanay pag nag date kayo."
" Ewan ko sayo. 'Wag ka ngang epal! Tigil-tigilan mo ang paninira sa mga pangarap ko."
Muli kong kinuha ang papel sa kanya at saka muling ngumiti. " Sisimulan ko na ang pagkausap sa kanila, ha? Haru, Haru! Finally, I'm going to meet you," I hummed to myself. Pero napatigil ako ng may pumigil sa'kin mula sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nakahawak na si Kentflex sa kanyang backpack , madilim ang mukha. Muli nitong inagaw ang papel na hawak ko. " Ano bang ginagawa mo?" Pilit kong inabot ang listahan subalit sa tuwina ay maagap nitong nailayo sa 'kin.
" Bigla kong na-realize na hindi ka nga pala kagalingan sa pakikipag-usap sa mga tao kaya ako nalang ang makikipag-usap sa kanila. 'Yong posters, invitations, at pag-a-advertise sa social media ang pagtuonan mo ng pansin. Mahirap na, baka unahin mo pa ang paglalandi sa crush mo kaysa dapat gawin, wala kang karapatang lumandi sa kahit sinong lalaki, naiintindihan mo?" Mahabang sabi nya sa naiinis na tinig.
Tatanungin ko sana siya kong ano ba ang problema subalit bigla na lamang itong nagpaalam na gagawin na daw niya ang tasks nya. Naiwan akong naka nganga.
Ano naman kaya ang problema ng lalaking 'yon? Theeee..
- Lil_jacob
YOU ARE READING
My Insecure Heart ( PUBLISHED Incomplete )
Teen Fiction" I can always wait. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo nang sabihin na mahal mo din ako. " Si Chloe na siguro ang pinaka-average na babae na pwedeng makilala sa campus nila. Hindi siya kagandahan, hindi matalino, at l...
