Chapter Forty-five

Magsimula sa umpisa
                                    

"S-sama ko Suho.." Nagbabadya na ang luha sa mata ko.

Bigla naman silang naglabasan sa mga kwarto nila, narinig ata nila si Suho na sumigaw.

"Anong meron?" Tanong ni Joy.

Walang sumagot sa kanya, nakatingin lang silang lahat samin ngayon.

"Irene, tatawagan ko nalang kayo. A-ayoko rin na makita mo si Seulgi kung ano man ang nangyari sa kanya." Tanginang dahilan yan!

"Suho kailangan niya 'ko! Kailangan niya tayo! G-gusto kong makasigurado na ayos siya. P-pano kung malala ang dinanas niya? P-pano kung-"

"Tatawagan ko kayo agad. I'll check on her first, sigurado akong ayaw din ni Seulgi na makita mo siyang ganon." Wala na kong nagawa at hinayaan na siyang umalis.

Pagkaalis niya, hindi ko na napigilang umiyak.

"Rene anong nangyari?" Agad silang lumapit sa'kin. Yumakap sina Jennie sa'kin pero patuloy parin ako sa pag-iyak.

Seulgi naman eh! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Tangina ka! Fuck you! Asshole! Nagdedesisyon ka ng hindi mo ko iniisip! Damn you!

"S-si Seulgi..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at humagulgol ulit.

"Shh... Okay lang si Seulgi, don't overthink." Sabi ni Wendy.

"P-pero kase kanina, n-nahihirapan na s-siyang magsalita eh!" Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko.

"Girl, magtiwala ka kay Seulgi! Mas matibay pa sa bato yon!" Pakyu Baekhyun!

"Gago siya! Napaka selfish niya! N-napaka gago niya!" Paulit ulit akong nagpupunas ng luha kong walang tigil sa pagtulo.

"Baka may pinuntahan lang talaga." Sabat naman ni Joy.

"K-kung may pinuntahan lang siya, b-bakit ganon siya magsalita kanina?! Bakit nahihirapan siya?" Pakyu Seulgi! Isa kang malaking maderpaker!

Pinilit ko naman na masanay na sa mga ganito pero easyhan mo naman!

Ayoko pang ma-byuda leche ka!

Biglang may tumawag ka Kai kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Oh Suho ano na?" Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sa Katipunan? Sige bro, susunod kami agad. Ingat kayo." Bimaba niya ang tawag at tumingin samin.

"A-anong sabi?" Tanong ko.

"Papunta raw silang ospital ngayon." Pagkasabi niya non ay napahagulhol ulit ako. Tangina ka Seulgi wag mo kong iwan ngayon pakyu mahal na mahal kita!

"Calm down Rene, pupuntahan natin si Seulgi sa ospital, magiging okay siya." Pagpapakalma ni Jennie sa'kin.

"Madadaanan natin yung kotse ni Seulgi sa Katipunan, ibaba niyo nalang ako dun para makuha ko then diretso na kayo agad sa ospital." Nagtanguan sila at dumiretso na kami sa van.

Mabilis na pinatakbo ni Chanyeol ang van, wala rin namang masyado na sasakyan dahil alas kwatro palang ng madaling araw.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

Huminto kami nang makita na namin ang kotse ni Seulgi sa gilid ng daan. Agad namang bumaba si Kai at pumunta sa driver's seat. Rinig na rinig namin ang mura niya nang mabuksan niya ang pinto.

B-bat andaming dugo...

Sumakay na siya don at sinundan kami papuntang ospital.

Pagkarating namin, nakita namin ang kotse ni Suho na hindi maayos na naka-park sa labas, mukhang naamadali na siya.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon