"You trained him so well," saad ko sa maliit na boses.

Tinapos niya na ang panggagamot sa'kin at itinabi ang first aid kit saka pagod na tumabi sa'kin.

"He must know how to defend himself. He must know how to protect you. I'm not around all the time,"

"He just turned 10," I reminded him.

Hindi siya umimik. Nilingon ko siya ng may maalala.

"Sina Tita Ella? Si Manang Tess, Shaina, Thea at Xy? Where are they?"

He chuckled. "How many days had passed and you just remembered them,"

Napakagat labi ako. I'm guilty.

"They're fine. Nasa Batangas sila kasama ang pamilya ni Gio. Doon na muna sila,"

"Damay na ba sila?"

Hindi siya sumagot pero alam ko kung ano ang ibig sabihin ng pananahimik niya. Uminit ang gilid ng mga mata ko. Is it my fault?

Namayani ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Muli akong napabuntong hininga. Wala na akong magagawa. Nandito na 'to.

Nilingon ko si Zykiel at nakitang nakapikit ang mga mata niya. Halatang pagod. Kinabig ko ang ulo niya at isinandal sa dibdib ko saka hinaplos ng marahan ang kanyang buhok.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga na para bang gumaan ang dibdib niya. Pinisil niya ang hita ko ngunit hinalikan ko lang siya sa tuktok ng kanyang ulo. Hindi kalaunan ay bumigat ang kanyang paghinga. Palatandaang nakatulog na siya. That fast.

He must be too tired. Tired of giving his best to protect us.

The thought tugged my heart.

Patuloy kong sinusuklay ang buhok niya at hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako dahil sa labis na pagod. We had too much for this day.

"WHERE'S AKI?"

Tanong ko kay Zykiel paglabas ng bahay.

Nagising ako ngayong umaga na nasa kama na. Tuloy tuloy ang naging tulog ko na hindi na rin ako nakapaghapunan kagabi. Hindi rin nagising nang may naglipat sa'kin sa isang maliit na kwarto. Probably it was Zykiel.

Pinunasan niya ang kanyang noo gamit ang likod ng palad niya at doon ko pa lang napansin na topless siya at tanging maong na kupas lang ang suot. Wala rin siyang suot na tsinelas.

Napalunok ako at sinundan ng tingin ang isang malaking butil ng pawis na nagpadausdos mula sa gilid ng kanyang noo papuntang pisngi at tumulo pa iyon pababa hanggang sumabit sa panga niya. Naglambitin muna iyon doon hanggang sa tuluyang nahulog at sinalo ng matitipuno niyang dibdib.

Hot.

Lumunok ulit ako dahil lumakas ang tibok ng dibdib ko. Pakiramdam ko uminit ang katawan ko. Kahit na simpleng ganun lang at normal lang naman iyon pero pakiramdam ko inaakit niya ako. Napaangat ang tingin ko sa kanyang panga nang mapansin kong umigting iyon.

"Done eye raping me baby?"

Uminit ang pisngi ko sa narinig. Gusto kong kutusan ang sarili sa inasal.

"N-nasaan si Aki?"

He dropped the axe and he get his shirt. Iyon ang ginamit niyang pamunas sa katawan niya at hindi ko mapigilang mapatitig. Dude, he got the hot fucking body.

"Eyes up here Elaina. Stop eye raping me,"

Iniwas ko ang paningin at itinuon iyon sa mga kahoy na sinibak niya. Ramdam ko rin ang pag-init ng batok ko na gumapang papuntang pisngi. Wala naman siyang ginagawa pero pakiramdam ko talaga inaakit niya ako. He's a fucker for having that sinful body that makes me a sinner. Damn it!

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now