05 : For As Long As We Love

232 60 57
                                    

CHAPTER FIVE : For As Long As We Love


He stayed outside the whole night while I spend my night leaning on the door. Hindi ko nga alam kung nakatulog pa ako dahil sa kakaisip kung nangyari pagkatapos nito. My memories were gone. Hindi ko na alam kung ano pang susunod na mangyayari. Hindi ko na matandaan ang panaginip ko.



"Ate mommy, what are you doing here?" Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa aking tuhod. Bumungad sa akin ang bagong gising na si Reese. Lumapit ito sa akin at tumabi sa pag-upo.



"Your kuya daddy is outside, baby. Binabantayan ko lang siya," I answered before patting her head.



"Why won't he go inside, ate mommy? You said it's dangerous outside."



"He needs to be outside, e. Because he needs to protect us from those bad guys," sagot ko. Tumango naman siya at ipinatong ang ulo sa hita ko.



"Ate mommy, I still want to sleep. Can you please tell me a story?" I stroked her hair before patting her shoulders.



"Uhm... Sure," sagot ko.



"Once upon a time, there was a girl. Her name is Hyacinth... " panimula ko. Iniangat niya naman ang ulo niya at tumingin sa akin.



"Just like your name, ate mommy?" she curiously asked.



I nodded before I flashed a smile. "Her whole life is a mess. Ordinaryong babae na walang ibang pangarap kung hindi maitaguyod ang pamilya niya. 'Yung nanay niya kasi ay nagtitinda ng gulay sa palengke habang 'yung tatay naman niya, maagang namatay kasi lasenggero. Meron rin siyang kapatid na lalaki." Napangiti naman ako. I miss my family.


"Tapos hindi siya pala-kaibigan kaya isa lang ang kaibigan niya, si Samantha. Bata pa lang magkasama na sila. Palagi silang ipinagkukumpara ng mga tao sa paligid nila kasi palagi silang magkasama. Maganda si Samantha at maraming kaibigan— hindi katulad ni Hyacinth. Pero kahit kalian, hindi nainggit sa kaniya si Hyacinth. Kasi alam niya na magkaibigan sila kaya walang rason para mainggit siya." Napangiti naman ako. Miss ko na rin si Samantha. Miss ko na ang kaingayan niya.


"Tapos, ate mommy?"


"Tapos may dati rin siyang boyfriend. Si Cedric. Mayaman 'yun kasi anak ng mayor ng lugar nila. Kaso, hiniwalayan niya rin kasi ayaw na niya roon. Kasi hindi siya ang tinitibok ng puso ni Hyacinth... " patuloy ko. I suddenly remember how much hate I got when I broke Cedric's heart.



"Then, sino po ang itinitibok ng puso niya?" Napangiti naman ako. He's here.


"Tapos palaging nananaginip si Hyacinth noon. May lalaking may semi colon na tattoo sa kamay noong lalaki. Hinanap siya ni Hyacinth kasi pakiramdam niya, kakaiba 'yung lalaki. Hinanap niya 'yun sa mundo niya pero wala, e. Wala siya roon." I smiled bitterly.




Wala siya sa mundo ko kasi nandito siya.



"Eh? Nasaan na po 'yung lalaki?" She looks puzzled and was waiting for me to continue the story.



"Nasa ibang panahon, baby. Nalaman niya na 'yung itinitibok pala ng puso niya ay nakatira sa ibang panahon. Sa panahon na hindi pa siya buhay," I answered.



"Puwede po ba 'yun ate mommy? Parang ang imposible naman po noon." Napalabi siya at ipinagkrus ang braso. Napangiti naman ako. She's cute.



Against Time  (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin