04 : The Beginning of the End

Start from the beginning
                                    

P-Patay?


Ibinaba ko siya sa kama at inihiga bago ako lumabas. Parang tinakasan ako ng aking kaluluwa nang makita ang sinasabi ni Reese. There's a dead man outside our house at kitang-kita iyon mula sa bintana! Nakahiga ito sa kalsada at punong-puno ng dugo ang katawan habang may nakatarak na dugo sa dibdib nito.




Dali-dali kong idinial ang number ni Axel habang nanginginig ang aking mga kamay. Shit, what should I do?





"Yes, love?"




"A-Axel... Axel may patay! M-May patay sa labas ng bahay. Umuwi ka na please I don't know what to do..." Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa bangkay. Anong gagawin ko?





"Iya calm down, okay? Pauwi na ako. For now, pumasok ka muna sa kuwarto. Stay there. Ilock mo ang pinto, tatawag nalang ako kapag papasok na ako. Alright?"





"I-I'm... I'm scared."





"Don't be scared, baby. I'll be there. Sa ngayon sundin mo muna ang mga sinabi ko. Baka andiyan pa ang killer." Tumango naman ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. Nanginginig ang kamay kong inilock ang pinto at tumakbo sa kuwarto.




"Bilisan mo please," mahinang bulong ko.




"I will. Wait for me, alright? I love you."



"I love you too," sagot ko bago pinatay ang tawag upang samahan si Reese.




"Ate mommy, ano pong nangyayari?" tanong ni Reese nang makapasok sa kuwarto. She's holding back her tears while hugging her doll.




Lumapit ako sa kaniya. "Everything will be fine, baby. Ate mommy's here," pag-aalo ko kahit na maski ako ay takot na rin.




"Si kuya daddy po, ate mommy? It's dangerous outside po." Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko. I'm so damn worried about him. Paano kung maabutan siya ng killer sa labas? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya?



"Why are you crying, ate mommy? Don't cry please." Hindi ko na pala napansing umiiyak na ako. Tumango naman ako at ngumiti kay Reese bago punasan ang mga luha ko.




"I'm just worried about your kuya daddy, baby," sagot ko. Tumango naman siya bago isiniksik ang ulo sa dibdib ko.




Maya-maya pa ay tumunog na ang cellphone ko tanda na nasa labas na si Axel. Dali-dali akong tumayo at iniwan si Reese sa kuwarto para pagbuksan si Axel.




"Why are you crying? I'm here now." Bungad ni Axel saka ako ikinulong sa kaniyang bisig.




"A-Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo... Bakit ngayon ka lang? Nag-alala ako," tanong ko pa bago mas isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Parang kanina lamang ay si Reese ang gumagawa nito sa akin pero ngayon ay ako na ang gumagawa kay Axel. I'm too soft for him.


"I'm here, okay? Hindi na ako aalis. Please don't cry, I don't like seeing you cry---" Naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng putok ng baril. Agad niya akong hinila papasok bago ilock ang pinto.


Against Time  (COMPLETED)Where stories live. Discover now