"Sasama ako." Ulit niya.

"Paano ang trabaho mo?"

Umiling siya. "Bakasyon na rin?"

Bahagya akong nakaramdam ng konsensya. Goodness! He would even do this!

"I'm okay, Carlos, hindi mo naman kailangan na sumama para bantayan ako..." I trailed off.

Nabakasan kong bahagya siyang na-offend sa aking sinabi kaya naman mabilis kong kinagat ang aking dila.

"Gusto ko rin magbakasyon." Aniya. "Ayaw mo akong kasama?"

Napalunok ako. "Hindi naman sa ganoon, iniisip ko lang iyong trabaho mo."

"Don't worry about it." Aniya bago inabot ang aking kamay.

Nagulat ako ngunit hindi ko binawi. Kalaunan ay inalis niya rin iyon upang ilagay sa manibela.

Hindi na lamang ako nagpumilit. Tahimik tuloy kami sa biyahe. Nag-iisip ako ng mga dapat sabihin ngunit walang pumapasok sa aking isip.

Sa huli'y hinayaan ko na lamang na tunog ng mga nakakasalubong at nakakasabay na kotse ang aming pinakinggan.

Nakamata ako sa labas.

From what happened, ito ang natutunan ko. Kung hindi mo desisyon, huwag kang mangengealam. Nagkamali akong kwinestiyon ko ang sinabi ni Carlos ay dapat akong humingi ng paumanhin.

Hindi ko dapat pinapangunahan ng aking ideya dahil madalas, ang aking naiisip ay palpak.

Gaya na lamang ng nangyari dati...

Halos mapatalon ako ng muli kong maramdaman ang kamay ni Carlos sa akin.

"We're here." Aniya. Tumigil kami sa tapat ng isang sikat na restaurant.

Pinatay niya ang makina at binunot ang susi. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto upang ikutan ako.

Napasinghap ako at agad na ring lumabas upang hindi na rin niya pagbuksan. Nang makitang kasasarado ko lamang ng pinto'y agad itong ngumuso.

Lumapit siya sa aking gawi bago pinirmi ang kamay sa aking balakang. "Let's go."

Bahagyang may sumaging imahe ng lalaki sa aking isip kaya naman mabilis kong pinilig ang aking ulo. Nagsimula kaming maglakad. Pinagbuksan kami ng pinto at nginitian ako ng babaeng gigiya sa amin sa lamesa.

"Table for two po." Aniya at binigay ang magkaharapang lamesa.

"So," panguna ni Carlos ng ilapag ang menu sa aming harapan. "What's yours?"

Tumikhim ako bago tinapunan ng tingin ang pagpipilian. "Caesar salad." Ngiti ko.

I'm on a diet, lalo pa baka madagdagan ang photoshoot ko about summer magazines. Gusto kong i-maintain ang aking figure.

"Nothing else?" Tanong niya. Umiling lamang ako at hinintay siyang makapili.

Carlos is probably the ideal guy for most girls. Gwapo, mayaman, maginoo. Wala ka na halos hihilingin pa. Nasa kanya na ang lahat.

Pleasure Of Destruction | R-18Where stories live. Discover now