Chapter Four

48 6 0
                                    

JULIANE

Kagaya nga ng sinabi ng bata, hinatid kami ng papa niya sa ospital. Ang bait nung papa niya, nakangiti pa siya sa amin bago umalis.

Concerned din na napatingin sa akin yung mama nung bata. Shems, tapos nalaman ko na may sakit pala yung nakatatandang kapatid ni Jasper (yung yung pangalan nung batang lalaki). Kaya siguro ganun mag-alala yung parents niya.

Agad kaming hinatid sa ospital, nagpasalamat kami ni Zeal, kumaway pa sa amin si Jasper bago umalis. Bakit kaya binibigyan ng mga probema ang mabubuting tao sa mundo? Mabait naman si Jasper pati yung parents niya. Eh bakit nagkaroon pa ng malalang sakit yung kapatid niya? Ang lungkot naman.

Nang makaalis na sila ay hinawakan ako sa braso ni Zeal at inalalayan niya akong maglakad papunta sa isang bench, nasa garden kami ng ospital. Hindi na ako nagpabuhat kasi ang daming tao sa labas ng ospital, baka pagtinginan lang kami.

"Akala ko sa ospital tayo..?" I trailed off.

"Gusto mo? Sige pumunta ka sa loob, magpaturok ka ng lethal injection." he answered flamboyantly. I rolled my eyes, mimicked his reply and glared. Shuta, nakakainis 'tong lalaking 'to. Nang maupo ako sa bench ay lumuhod siya sa harapan ko.

Hala magpopropose ba siya? Hindi pa ako handa, charot.

"Ipatong mo dito yung paa mo," wika niya at itinuro ang lap niya. Hindi naman ako umangal at ipinatong ang paa ko. He gently assessed it. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitingnan siya, bakit ang pogi niya?

The fringes of his hair covered his left eye, tangina kapag ako ang may bangs mukha akong tanga, pero pagdating sa kanya bakit bagay? Ang unfair... I took my time appreciating his long eyelashes, pointed nose, and those damn fine lips.

Kapag di ako nakapagpigil hahalikan ko 'to, charot. Stop Jules, ang landi mo.

"Bakit ka pala nagsinungaling dun sa mga bata kanina?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Para maihatid tayo agad sa bayan, baka gabi na tayo makarating dito kung maglalakad lang." he answered.

Napatango na lamang ako, oo nga naman, masyadong malayo ang bahay ko sa bayan, kaya kung maglalakad kami ay aabutin na kami ng gabi. Baka maabutan na kami ng mga lalaking humabol sa amin kanina, kaya mas okay na rin siguro na nasa bayan kami.

"Masakit pa ba?" tanong niya. Tahimik akong tumango. May kinuha siya sa bag, isang bandage? Pero kakaiba ito dahil sa silvery nitong kulay at may floral pang design.

Ibinalot niya yun sa ankle ko, parang normal na bandage lang ito. Until I felt a cool sensation, nakakarelax sa paa. Ilang sandali pa iyong ganoon nang biglang mawala ang lamig. He removed it on my ankle.

"Try to walk, kapag masakit pa sabihin mo sakin." I just nodded and tried to walk. Akala ko masakit pa rin ngunit hindi na. Biglang nawala yung sakit. What is that bandage thing? Ang hiwaga naman.

"Woaaaah!" Namamangha siyang tumingin sa akin at napapalakpak pa. Nawiwirduhan akong napatingin sa kanya. May saltik ata 'to, kani-kanina lang iba mood niya tapos ngayon para siyang bata.

Hindi ko na lang siya pinansin at babalik na sana ako sa pagkakaupo nang mahigpit niya akong yakapin sa bewang. Napatigil naman ako, ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya hindi ko mapigilang hindi mapayuko.

Zeal's ParadigmWhere stories live. Discover now