Chapter Two

47 6 2
                                    

JULIANE

"Anong ginawa mo!?" galit kong wika sa kanya at pilit na kumawala sa mga bisig niya. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya.

Sinasabi ko na nga ba eh. Halos maging Jackie Chan na ako sa pagsuntok at pagsampal sa kanya ngunit hindi pa rin niya ako binibitiwan. Wew, workout 'to ah. Magkakabiceps na ata ako neto.

"I'm fixing your house." tila ba sarcastic niyang sagot sa akin. Mas lalo akong nainis ngunit nang makita kong unti-unting nawala ang apoy, parang bumalik sa dati ang lahat. Naging maayos ulit ang buhay ko, este bahay.

P-paano nangyari 'yun? Saka lighter lang naman yun ha? Paanong nilamon nung apoy yung bahay tapos mawawala na lang bigla na parang hindi man lang natamaan ng bulalakaw ang bahay ko at hindi nasira?

"Paano mo nagawa 'yun?" tanong ko. Binitawan niya na ako at hinayaang makalapit sa terrace na maayos na at parang hindi natamaan ng bulalakaw kanina.

Mukha ngang mas maayos pa kaysa noong hindi pa ito natamaan. Parang naging... Shining, shimmering, splendid—charot.

"The porter fixed it. Patunay ito na hindi talaga ako galing sa mundo na'to. Naniniwala ka na bang totoo ang mga sinasabi ko? I just proved it to you." lintanya niya. Natulala ako sa terrace na ayos na ayos at halos hindi na makapaniwala.

Yung apoy na galing sa porter (sabi niya porter tawag dun sa lighter eh) biglang nawala. Paano nangyari yun?

"Paanong nangyaring naayos ng apoy ang terrace ng bahay ko?" I gaped. Ang inis ay napalitan ng pagkamangha. Tahimik lang niya akong tinitigan.

Magtititigan na lang ba kami dito? Okaaaay. Anong susunod? Tatumbling ako tapos sabay split and then aura?

Anyways, hindi niya sinagot ang tanong ko, nanatili naman siyang nakatitig sa akin. Nakakapanlambot—char.

"A-anong tinitingin-tingin mo dyan?" tanong ko. Na-conscious ako bigla sa hitsura ko, dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, should I call my cardiologist? Lol.

"For a seventeen year old girl, you're dumb." napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Eh gago pala to eh, siya nga ang basta-basta na lamang nagpapakita sa kung saan tapos sasabihin na hindi sa mundo ko galing, sino ba namang hindi maweweirduhan di'ba?

Kahit na gwapo siya at mabango kahit mausok ay isang malaking no pa din.

"You—" naningkit ang mga mata ko. Nakatingin lang siya sa akin at tumaas ang kilay. Attitude ka sis?

"GET LOST... I DON'T WANNA SEE YOU." madiin ang aking pagkakasabi. Oh diba, pak na pak ang pagtatagalog ko. Tinulak ko ang likod niya at pinababa siya ng terrace habang nakataas naman ang mga kamay niya at natatawa.

"What's funny?!" tanong ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Go! I don't wanna see your face again." sabi ko at tumalikod. Papasok na sana ako ng bahay dahil naging maayos naman ulit ang lahat nang sumigaw siya.

"By the way, my name is Zeal... I need your help and in exhange I'll protect you from them!" well, whatever. Sinara ko ang pintuan at napasandal doon. Shooting star hitting my house? Naked guy appearing out of nowhere and claiming that he's from another world? That's absurd.

Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit wala ng ingay na nagmumula sa labas. Sumilip ako sa bintana at kinilabutan nang walang tao sa labas. Nasaan na ang lalaking 'yun?!

Agad kong inilock ang pinto at huminga ng malalim. Ang daming nangyari sa araw na'to, ang malas ko talaga. Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano.

Its just a dream right? A very exhausting dream. Napabuntong hininga ako, sinilip ko kung naroon siya sa labas ngunit wala na. Yes, this is just part of my imagination. Nahiga na ako sa sofa at pinilit ang sarili ko na makatulog.

Zeal's ParadigmWhere stories live. Discover now