Epilogue

6.2K 130 14
                                    


NAGKUKUMAHOG SI BETHSAIDA sa pagbaba ng kanyang kotse. Katatawag ni Ocean sa kanya, emergency daw at kailangan niya itong puntahan. Hindi na ito nakapagpaliwanag dahil mabilis na pinutol nito ang tawag matapos sabihin sa kaniya kung saan siya pupunta. Kunot na kunot ang noo niya ng marating ang simbahan.

Salsal ng kaba habang tinatahak niya ang pinto noon. Nakasara iyon kaya napilitan siyang siya na lamang ang magtulak noon pabukas. Piping nahiling niyang sana ay walang kasal, misa o kung anuman siyang magagambala. But to her surprise a music started playing when she opened the door.

Literally, she was shocked. Naroroon lahat ng miyembro ng Happy Boys. Nasa unahan si Nathan at nangunguna sa pagtugtog ng Collide. Kaya naman pala kinukulit siya nito noong isang linggo tungkol sa gusto niyang kanta. Naadornohan din ng iba't-ibang bulaklak ang buong simbahan. Ang mga ito lang halos ang tao doon. Sa gilid ay kita niya ang pari na nakangiti din sa kaniya.

Happy's rendition never failed to amuse her. Sa bawat patlang ay may singit iyon ng speech ni Nathan. Bago pa natapos ang kanta ay tigmak na siya ng luha. Paano ng mga itong napapayag ang simbahan?

Lord, anong nagawa ko sa past life ko deserve a man like Nathan?

Matapos ang kanta ay ipinasa iyon ng binata kay Hannes. Titig na titig ito sa kaniya habang lumalapit. Natakot siyang kumurap dahil baka mawala ito at marealize niyang isang panaginip lang ang lahat. Nang dumantay ang kamay nito sa kaniya ay saka siya nakumbinsing hindi iyon panaginip.

"A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal na tanong niya.

"Obvious ba, Miss, nagpro-propose ang masugid mong manliligaw." Pabirong sagot nito. Hindi niya napigilang hampasin ito sa dibdib.

"Bakit kailangang sa simbahan agad?"

Pinahid ni Nathan ang luha sa mga mata niya then kissed her eyes. "Dahil memorable sa akin ang simbahang ito, dito kita unang nakita. Nakita kitang umiiyak pero hindi ko naman intensiyong pagbalik mo dito iiyak ka pa din. Naubos na kasi ang utak ko sa kakaisip ng proposal, 'eto lang ang kinaya ko. Sana sapat na ito."

Suminghot siya at tumango. "Sobra-sobra na ito, Nathan. Paano kung marriage proposal na, edi wala na nang maiisip."

Napatawa ito. "Sagutin mo muna ako, hoy, bago kita alukin ng kasal."

Pabirong ngumiti siya. "Ano bang tanong?"

Sa pagkagulat ay lumuhod ito sa harap niya. May sinenyasan ito sa itaas. Then a tarpulin of a prince with a placard WILL YOU BE MY PRINCESS? Was flashed.

Tingnan niya ito. Then in a heartbeat, she nodded. Sapat na ang panahong naghirap ulit ito para ligawan siya. Ang totoo naman ay para na din silang magnobyo dalawa. Dinig niya ang palakpakan ng mga kaibigan. Nathan shouted Yes.

Pagtayong-pagtayo nito ay siya na ang kusang tumiyad ay ginawaran ito ng halik sa labi. Abot tenga ang ngiti nito ng matapos ang halik na iyon. Nakangiting pinahid niya ang glid ng labi nito dahil sa kumapol doon ang lipstick niya.

"I love you, Nathan. Thank you for all of these. Thank you for having the patience in loving me."

Nathan kissed her forehead. "Finally! I love you more, Saida. And thank you for loving me back."

Andwithout any hesitation their lips locked. Sa background ay naririnig niya angpagpito at pangangantiyaw ng mga kaibigan nito. Mamaya na lang siya mag-uusisasa mga ito, pati na din sa baliw niyang kaibigan. Sa ngayon nanamnamin niyamuna ang pagkakataon sa piling lalaking mahal niya. 

Bethsaida, The Bride-wannabeWhere stories live. Discover now