Chapter Ten

4.4K 74 1
                                    

Boy I missed your kisses all the time but this is... Twenty-five minutes too late... Though you travelled so far... Oh I'm sorry you are... Twenty-five minutes too late...

"Anak ka naman ng pating, Siggy! Nanandiya ka ba?" Asar na asar na tanong niya sa kaibigan. Napamaang ito sa kaniya.

"Huh?" Maging ang reaksiyon nito ay nagpapakita ng kalituhan. "What did I do, Pare?"

"Palitan mo ang kanta." Mariing utos niya.

"Alam mong hindi na p'wede, Nathan, kanina pa 'yan nakasalang. Anong sasabihin ko sa listeners kapag nawala 'yan? Technical error? Alam mong as much as possible ay iniiwasan natin 'yun."

Anak ng tokwa talaga! "That song is irritating."

"Anong ginawa sa 'yo ng kanta?" Wala sa sariling tanong nito. Minsann talaga spaced out itong si Siggy. "Saka alam mo bang ilang araw ka ng kinatatakutan dito sa station. Isang kibot lang mainit na agad ang ulo mo, tapos halos patayin mo na din ang sarili mo kakatrabaho. May problema ka ba?"

"Wala akong problema." Kaila niya. Pero gusto niyang sabihin na ang problema niya talaga ay miss na miss na niya si Saida. Binigyan niya muna ng pagkakataong mag-isip ang sarili niya at ang dalaga. Kailangan niya munang huminga. Pero sa pag-ere ng awiting iyon ay muli niyang naisip si Saida. Ang kaibihan nga lamang ay si Saida ang nahuli ng labinlimang minuto para mapigilan ang kasal ni Bobby. Pero paano kung hindi ito nahuli?

Damn!

"Kahit hindi ka magsabi sa akin, mukhang problema sa pag-ibig 'yang dinadala mo. At kahit hindi ko portion ito, papayuhan na kita."

Tiningnan niya ng masama si Siggy. "Ayusin mo ang payo mo."

Tumikhim pa ito. "All I can say is kung alam mong tama ang nararamdaman mo, ipaglaban mo."

"Kahit na may mahal na iba?"

Napaisip ito sa tanong niya. "Asawa nga naagaw pa, 'yun pa kayang may mahal lang ng iba." Tinapik siya nito sa balikat. "Man, kung tungkol it okay Bethsaida, isa lang ang maipapayo ko sa 'yo."

"Ano?"

Ngumiti ito ng pilyo. "Kapag hindi mo nakuha sa santong paspasan, daanin na lang ulit natin sa modernong haranahan."

Napailing siya sa naisip nito. Bumuntong-hininga siya. "Kailangan ko lang munang mag-recharge. Ang hirap din palang mabasted, hindi pa nga ako nakaka-first base bokya na ako."

Sukat sa sinabi ay napatawa ito. "Nagbago ka na nga, Manong Nathan. Imagine naranasan mo na ang mabasted. At east alam naming normal ka."

"Tado!" Sabay pa silang napatigil sa pagkukulitan ng tumunog ang cell phone niya. Numero ni Buster ang nakareshistro doon. Pinapasunod na sila nito sa club kung saan magpeperform si Ocean. Kasama si Ocean sa mga front act para sa concert ni DJ David Callum.

"Nagtext din sa 'yo si Buster?" Tanong niya kay Siggy.

Ipinakita nito sa kaniya ang text ng kaibigan. "Mukhang kapag nalate tayo gigilitan tayo sa leeg ng isang iyon. Kunwari pang si Callum ang gustong makita, gusto lang namang bantayan si Ocean. Ewan ko nga ba sa inyong dalawa, p'wede namang magtapat. Pinahihirapan pa ang sarili."

"Ang tagal-tagal ko nang nagtatapat, ayaw lang akong paniwalaan. 'Yang si Buster ang malaki ang problema sa buhay."

Sinenyasan ni Siggy ang PA nila. Naayos na ni Skipper ang schedule nila para sa araw na iyon. Recorded ang gaganaping programa sa araw na iyon bilang pagsuporta nila sa kanilang music director. Alam niyang ibibilin ulit ni Siggy ang mga dapat gawin.

Bethsaida, The Bride-wannabeWhere stories live. Discover now