Chapter Two

5.7K 84 3
                                    

"UTANG NA loob, Bethsaida, umayos-ayos ka." Kulang na lang ay sabunutan siya ng kaibigang si Oceania o Ocean base sa tinig nito. Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkakasubsob sa mesa.

"Pinipilit ko namang maging okay kaya lang..."

Hinablot nito ang tissue sa ibabaw ng mesa nila at padarag na inaabot sa kaniya. "Sige subukan mo akong iyakan pa ipapatapon na talaga kita sa labas. Hindi mo ba alam na malas sa negosyo ang umiiyak, ha."

Tinanggap niya ang tissue at dinampian ang mata. Naiiyak na naman kasi siya sa pagkakaalala sa kasawian.

"Anong klase kang kaibigan?" Madramang akusa niya dito. Tinaasan siya nito ng kilay. "Dapat kino-comfort mo ako. I'm so sawi right now, you know."

"Isa akong tunay na kaibigan, alam mo 'yan. Hinding-hindi kita kukunsintihin na alagaan 'yang nararamdaman mong iyan. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng pagkasawi, ano. Madami kayo sa mundo. Hindi titigil ang mundo dahil sa mga heartaches ninyo. And for the record, Saida, kinomfort kaya kita. Ako mismo ang gumawa ng tea mo. From the bottom of Ocean's heart 'yan ha." Inunguso nito ang honey milk tea na nasa harap niya.

Pero parang nanunukso pa ang tsaa-ang iyon. Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa pagpipigil tumulo ng luha niya.

"Hoy, Saida, bakit na naman?!" Parang magfre-freak out na ang boses nito.

Pinagmasdan niya ang Honey milk tea sa harap niya. Nasa isang mataas na baso iyon na may nakalagay na Happy Together sa unahan. Pinigilan niya ang mapahikbi.

"Favorite niya ang Honey Milk Tea natin." Tukoy niya kay Bobby.

"Argh! Ipapatapon na talaga kita sa labas!"

"Hindi mo p'wedeng gawin 'yan."

Tumaas ang kilay nito. Sa karakter ni Ocean ayaw na ayaw nito ng hinahamon dahil hindi talaga ito magpapatalo.

"At baket?"

Sa kabila ng pagiging sawi much niya ay hindi niya naiwasan ang pagngisi dito. "May-ari ako din ako Tea Fairy."

Ang Tea Fairy na tinutukoy niya ay ang tea cafe nilang magkakabigan. Si Ocean, siya at si Fawn ang nagtayo noon. At nabuo iyon dahil sa pagiging adik nila sa tsaa. Dahil parang kabuteng dumadami na din ang tea house sa Pilipinas ay naisipan nilang gumawa ng version nilang tatlo, bilang Advertising ang kurso niya, management naman si Ocean at may alam ito sa pagpapatakbo ng negosyo dahil sa negosyo ng pamilya at si Fawn naman ay HRM graduate, hindi nga lamang ginagamit ang natapos. Ibayong sipag at tiyaga ang naging puhunan nilang tatlo bago naging maunlad ang Tea Fairy. Maganda din kasi ang naging lokasyon nila. Malapit iyon sa isang University, condo units, munisipyo at hospital kaya naman hindi sila nawawalan ng customer.

"Fine! Pero umayos ka na. Pagang-paga na ang mga mata mo at pulang-pula na ang ilong mo."

In short, pangit at dugyot na ako. Muli siyang suminga sa tissue. Isinuklay niya ang kamay sa buhok, kahit naman yata bigo siya ay ayaw niyang magmukhang dugyot at chaka sa harap ng ibang tao. Sawi na nga papangit pa siya.

"Pasalamat ka wala dito si Fawn, kung hindi kanina pa lagas 'yang buhok mo."

"Kahit wala siya dito damang-dama ko naman ang presence niya, ano. At ilang oras niya din akong sinermunan kagabi sa telepono. Muntik na akong tumawag ng bombero dahil ang init-init na ng tenga ko ayaw pa niya akong tigilan. Mga wala kayong puso!"

Bethsaida, The Bride-wannabeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin