Chapter Three

5.4K 101 3
                                    

HINDI MAKATINGIN ng diretso si Saida sa nagpakilalang Nathan matapos siyang yakapin nito at iligtas sa kuko ni Ocean. Kung may telephatic powers siya kanina pang gumalaw ang baso ng tsaa sa kakatitig niya doon. Heto na nga ba ang inaasahan niyang reaksiyon ng kaibigan kung kaya't hindi nito sinasabi dito ang ginawang pagtatangkang pigilan ang kasal ni Bobby.

Masamang-masama pa din ang tingin ni Ocean sa kaniya nang mag-angat siya ng tingin dito. Alanganing mapangiwi siya na napapangiti. In the end, itinaas na lang niya ang daliri na may senyas na peace sign.

"Pasalamat ka talagang babae ka dito kay Nathan, dahil kung wala siya kanina ka pa kalbo."

Pinili niyang huwag tumingin sa tinutukoy nitong binata. Ngunit kahit hindi niya tingnan ito ay damang-dama naman niyang titig na titig ito sa kaniya.

Baka ngayon lang nakakita ng babaeng miserable.

Pinagtakpan niya ng pagsimangot ang kabang nararamdaman dulot ng pagtitig ni Nathan sa kaniya. "Hindi naman natuloy, Ocean."

Nanlaki na naman ang mga mata nito. "Aba dapat lang ano! Sinong magmumukhang tanga kung nagpatapat ka?! Wala, ikaw lang! Paano kung maisip mong tutulan talaga ang kasal?! And worst baka ma-televise pa ang eksena mo. Paano na lang kapag lumabas ka sa TV, ha? Ngayong wala ka ng trabaho at palagi kang makikita dito sa Tea Fairy, malalaman nilang isa ka sa may-ari nitong cafe tapos magagalit na sa atin ang mga customers natin dahil nang-aagaw ka ng groom ng may groom."

Tumaas ang kilay niya. "Wow ha, ang bilis mong nagawan ng k'wento ang sitwasyon." Inuumang niya dito ang sariling baso ng tsaa. "Kumalma ka nga. Okay na ako. Nasa matinong pag-iisip na ako, magmo-move on na nga ako, diba?"

"Yeah, I think it's better when you don't rub in the issue." Pagsang-ayon sa kaniya ni Nathan. Sabay pa silang napaharap dito ni Ocean. Tila aliw na aliw ang itsura nito habang pinagmamasdan silang dalawang magkaibigan.

Bumaling si Ocean dito. "Wala kang pakialam, ako ang kaibigan at hindi ikaw."

"Ayoko lang ng may babaeng nasasaktan sa harapan ko."

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa binata. Hindi niya makapa kung nagbibiro ba ito o seryoso. Alam niyang na-dissect na niya ang mukha nito noong nakapikit ito sa simbahan pero iba pa din pala kapag maayos na ang lagay nito. He look awesome este handsome pala. Sa pagngiti nito ay bahagyang naningkit ang mga mata nito kaya tuloy kahit ang mga mata lang nito ang titigan niya ay kitang-kita pa ring nakangiti ito. Bakit ang g'wapo nito?

Ayoko lang ng may babaeng nasasaktan sa harap ko.

May bahagyang kilig na naramdaman ang puso niya sa sinabi nito. Lord, may lalaki pa palang ganito. Tahimik niyang pagkausap kay Lord. Siguro naman ay aware ito sa mga titig ng kababaihan sa loob ng shop nila pero parang hindi ito naiilang. Mukhang enjoy na enjoy pa nga ito.

"Hindi siya babae."

Sa mga oras na iyon ay tuluyan ng sumama si Ocean sa paningin niya. Tumubo na ng tuluyan ang sungay nito na pasulyap-sulyap lang kanina. Si Nathan naman ay hindi makapaniwalang sinuri siya mula ulo hanggang paa tapos paakyat ulit, bahagya pang huminto ang titig nito sa dibdib niya. Mabilis na kumalat ang init sa pisngi niya sa ginawa nito. Bago pa niya napigilan ay nahampas na niya ang braso nito.

"Babae ako!"

"I agree."

Pinagsalikop niya sa dibdib ang braso. "Agree-agree ka diyan, eh, kung makatingin ka dudang-duda ka."

Bethsaida, The Bride-wannabeWhere stories live. Discover now