Chapter Eight

3.8K 73 0
                                    

"I'M SORRY." Iyon lang ang tanging nasabi niya. Wala sa personality nito na may ganoon pala itong nakaraan. Ni hindi nga niya nahalata na may kulang dito, o kung patay man ang mga magulang nito.

Bumaling ito sa kaniya. Bahagyang ginulo pa nito ang buhok niya ng makitang kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi sa sobrang guilty.

"It's okay. Matagal na silang wala. I've moved on."

Ngunit hindi nabawasan noon ang guilt niya. "Pero masakit pa din, hindi ba?"

Tumingin si Nathan sa malayo. Then she heard him sighed and nodded. "Walang araw na hindi ko sila namimiss. Palagi ko silang naiisip sa bawat stage ng buhay ko. Noong nag-graduate ako, sa kauna-unahan kong photoshoot, at nang maitayo namin ang Happy FM. Ten years old ako nang mamatay sila, plane crash. Pabalik na sila noon galing sa isang business trip, but they did not make it home. I was devastated. Sa isip ko hindi ko matanggap ang nangyari, palagi kong itinatanong kung bakit kailangang sabay pa silang mawala. Pakiramdam ko aping-api ako noon. But then again, an angel saved me. Dumating si Uncle, bunsong kapatid siya ng Mommy ko. He saved me. Pinili niyang lumipat dito sa Zambales at tumira kasama ako para maalagaan ako. Siya ang tumayong magulang para sa akin. Ni minsan hindi ko siya narinig magreklamo at kahit na anong pilit ko na mag-asawa siya panay tanggi lang siya. Pero siyempre minsan naiisip ko pa din ang maraming what ifs."

Buong paghanga niyang tinitigan si Nathan. Mahal na mahal nito ang mga magulang gayundin ang Uncle nito. She simply smiled. "Sa palagay ko ganoon yata talaga, minsan akala natin naka-move on na tayo sa sakit pero ang totoo kapag naalala natin sila may kurot pa din naman."

Hindi napigilan ni Nathan ang mapatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. May pagtatanong ang mga mata nito.

"Ayaw ko ng ganyan nalulungkot ka. Dapat yata hindi ko kinuwento sa 'yo, ayan tuloy parang iiyak na ang mata mo."

Tama ito, nanunubig na talaga ang mga mata niya. "Ano ka ba, okay lang noh. Believe me, I know how you feel. Ganyan din ang naramdaman ko noong maagang mawala sa amin si Daddy. Palagi ding sumasagi sa isip ko ang mga what ifs question. Pero kalaunan tinanggap ko na din, iyon ang gusto ni Lord, eh. Saka may Mommy pa naman ako, sabi ko lagi sa sarili ko. Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal."

May ilang minutong tumitig si Nathan sa kaniya. Then he lifted his hands to her cheeks. Nahigit niya ang kaniyang paghinga sa gawi nito. Buong suyo ang ginawa nitong maghaplos sa pisngi niya na tila ba kinakabisado nito ang bawat anggulo ng mukha niya. Gustuhin man niyang ilayo ang titig mula sa mga mata nito ay hindi niya magawa, parang may magnet ang mga iyon.

Hinaplos nito ang mga mata niya, inalis ang nagbabadyang luha. "Thank you for listening, Bethsaida."

He sounded so sincere. Tila sumasaliw sa hangin ang tibok ng puso niya. Malakas na malakas ang pagkabog noon sa dibdib niya. Buti na lamang din at nakaupo sila dahil kung hindi ay kanina pa yata bumigay ang lakas ng tuhod niya. She smiled back at him. Hindi na napigilan ng kamay niya na hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mata nito.

"You're most welcome."

Mula sa pagiging seryoso ay tumawa ng bahagya si Nathan. Itinaas nito ang kamay at lumanding iyon sa mga balikat niya. Hindi siya pumiksi, pabirong tinaasan lang niya ito ng kilay pagkatapos ay tumingin sa kamay nitong nasa balikat niya.

"Dapat yata dito na lang ang unang date natin para girlfriend na kita."

Oo nga! Ay, mali. Mabilis na inalis niya ang naiisip. Pabirong siniko niya si Nathan. "O, ayan ka na naman."

Bethsaida, The Bride-wannabeWhere stories live. Discover now