Chapter Seven

4.3K 73 2
                                    

"MISS, ANONG problema natin?" Pabirong untag ni Nathan kay Saida. Kanina pa niya ito pinagmamasdan, tila malalim ang iniisip nito. Nakaka-ilang beses din na bumuntong-hininga ito. Hanggang sa hindi na yata ito nakatiis at walang pakialam na inilapat ang pisngi sa mesa. Ginaya niya ang ginawa ito. Hindi ito umalis sa p'westo, nakatingin lang din ito sa kaniya.

Saida really looked beautiful. Kahit yata titigan nito ito maghapon ay hindi siya magsasawa sa mukha nito. Tila maiiyak itong tumingin sa kaniya.

"I think I'm gonna die." Frustrated at malungkot na malungkot ang boses nito. Mabilis na napatuwid siya sa sinabi nito.

"What?! What the heck are you saying?!" Napalingon ang ibang customer sa kanila. Sanay na din ang mga staff at regular customer doon sa presensiya niya.

Hindi ito natinag sa lakas ng boses niya. Nanatiling nakalapat ang pisngi nito sa mesa. Hinila nito ang kamay niya upang kuhanin ang atensiyon niya.

"Huwag kang OA." Anito.

"Kung ayaw mong maging OA ako magpaliwanag ka. You said you think you're gonna die. Ano? May sakit ka ba? Anong sakit? Nakapagpa-ospital ka na ba?" Kasabay ng sunod-sunod na tanong niya ay ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Saida was sure scaring him.

"Wala akong sakit. Expression ko lang 'yun."

Nakahinga siya ng maluwag. Muli niya itong ginaya. Malungkot na malungkot pa din ang mga mata nito. It was like the very same sad eyes na nakita niya sa simbahan. Naroroon na naman ang kagustuhan niyang tanggalin ang lahat ng lungkot ng dalaga, akuin iyon upang hindi masilayan ang lungkot dito.

Dinutdot niya ang ilong nito. Himalang hindi ito pumalag. May mali nga dito.

"Is there something wrong?"

Tila maiiyak na tingnan siya nito. "Hindi ako makapag-design. Walang pumapasok na bagong idea sa utak ko. Mag-iisang linggo na ito at kailangan ko nang maka-usad."

He smiled. "Ah, artist's block?"

Tumango ito. Madalas niyang naririnig ang salitang iyon kay Skipper kapag wala itong ma-ipinta. Ayon dito ay hindi lamang sa writers applicable ang salitang iyon. Maging siya ay nagkakaganoon din naman kapag minsan. And he knew how it feels. Nakaka-frustrate nga.

"Why don't you try doing something else other than your work? Malay mo kailangan lang ng relaxation ng isip mo."

"Ang tagal-tagal na niyang naka-relax ha. Puro relax na nga lang ang nangyayari sa akin. Kahit nga sa bahay nagagalit na ang Mommy ko dahil napagdiskitahan ko na lahat ng klase ng gawain sa amin." K'wento nito. Mas dapat yatang laging frustrated si Saida dahil nagagawa nitong mag-open up ng ganoon sa kaniya.

"Baka bakasyon ang kailangan mo." Muling suhestiyon niya.

Nag-isip ito. "Saan naman ako pupunta? Ang mga nagyaya naman sa akin ng bakasyon, mga nawawala. Si Ocean kulang pa ang isang araw sa dami ng ginagawa. Si Fawn naman may trabaho din."

"P'wede kitang samahan. Saan mo ba gustong pumunta?"

"Sa Mars. Sasama ka?" Mabilis na sagot nito na ikinatawa niya.

"Kahit sa Jupiter pa sasama ako. Kaya lang I doubt kung mabubuhay tayo sa Mars, eh, hindi pa naman nadi-discover hanggang ngayon kung p'wede na talagang tumira doon. Puro hanggang pag-aaral pa lang. Saka na lang tayo magplano ng bakasyon doon, sa ngayon iyong makatotohanan muna."

Bethsaida, The Bride-wannabeWhere stories live. Discover now