Chapter One

10K 106 4
                                    

KAYA MO ito, Saida. Pangungumbinsi ulit niya sa sarili. Ilang ulit pa siyang huminga ng malalim bago tuluyang lumabas ng kaniyang kotse. Agad niyang nakita ang dami ng sasakyan sa parking lot sa harap ng simbahang kinaroroonan niya. Ngunit agad na bumahid ang lungkot sa kaniyang puso ng makita ang kotseng puti na naadornahan ng magagandang bulaklak at dalawang magkatabing teddy bear.

"Kaya mo ito, Saida. Matapang ka." Hindi na niya napigilang ibulalas bago ipinagpatuloy ang paghakbang patungo sa loob ng simbahan. Ilang hakbang na lang at makikita na niya ang liwanag, este si Bobby pala. Ang binata ang dahilan kung bakit bigla siyang tumapang ng two percent.

Pagpasok na pagpasok niya ng simbahan ay sakto namang ka-aanunsiyo lamang ng pari ng pagbabasbas nito sa bagong kasal at ang parting words nito sa couple ng epic line na, you may kiss the bride, na sa pakinig niya ay 'you may kill the bride'. Pero dahil nasa simbahan pinigilan niya ang kaniyang utak na maging kriminal. But the priest's words hurt her. No, his words crushed her heart to the ground. Pakiramdam niya inaasar siya ng pagkakataon.

Nanghihinang tuluyan na siyang pumasok at tahimik na umupo na lamang. Masokista nga yata siya dahil sa halip na tumakbo palayo roon ay heto siya at lumuluhang pinagmamasdan ang pinaka-g'wapong groom na nakita niya, sa palagay lang naman niya.

Bobby was her very first crush and her very first love. Hindi birong taon ang binilang niya para lamang mag-t'yagang magparamdaman dito. Hindi umubra sa sitwasyon niya ang kasabihang kapag may tiyaga may nilaga. Naging kaibigan siya dito sa lahat ng pagkakataon, palagi siyang nasa tabi nito. Kaya naman parang platong nabasag mula sa pagkataas-taas na lalagyan ang nararamdaman ng puso niya ng sabihin nitong ikakasal na ito. Nagkadurog-durog ang puso niya na hindi p'wedeng isalba ng Mighty Bond o kahit na ano pang pandikit.

Wala sa loob na napatingin siya sa relo bago suminghot. Tingin niya late lang naman siya ng dalawampu't-limang minuto bago sa itinakdang oras ng kasal ni Bobby.

O, baka naman nararamdaman niyang pipigilan ko ang kasal niya kaya maling oras ang sinabi niya sa akin? Mas lalong bumalon ang luha niya. Sa isip ay sinsisi niya ang nagpakalat ng tsismis na nakakapagpalakas ng loob ang alak. Feeling niya pakawala ang kung sinumang nagpasimula ng tsismis na iyon ng isang liquor company para mas marami pang bumili ng alak. Siyempre nga naman, sa dami ng tao sa mundo bawat oras ilang tao ang nasasaktan, ilang libong tao ang nabibigo at ilang libong tao ang nangangailangan ng lakas ng loob para gawin ang isang bagay na duwag ang mga itong gawin. At siyempre counted siya sa ilang libong taong iyon.

"B'wisit na alak." Himutok niya. Naka-ilang shots naman siya ng Blackwhisky pero parang wala naman siyang naramdamang paglakas ng loob. Ginawa lang niyang excuse ang whisky para kunwari ay iyon ang dahilan ng ginawa niya. Balak sana niyang kausapin si Bobby bago ito ikasal, na magtapat dito ng kaniyang nararamdaman once and for all. Buti na lang at hindi siya nahuli ng MMDA sa lansangan habang nagmamaneho, kundi nakulong pa siya. Amoy din kasi ang alak sa bibig niya.

Napasigok siya nang magpalakpakan na ang mga tao. Bonggang-bongga ang ngiti ng bride and groom. Kung paanong halos mapunit ang labi ng mga ito sa pagngiti ay halos mapunit din naman ang puso niya sa kabiguan.

Unfair!

Naramdaman niya ang pagkalabit mula sa likuran niya. Isang naka-belong matanda ang nalingunan niya. Concern was written all over her face. Malamang ito ang witness sa crying moments niya at nasira ang momentum nito sa pakikipag-usap kay Lord.

"Ayos ka lang ba, 'Ne?"

Sumisinghot na tumango siya. "Okay lang ho. Mabigat lang po talaga ang pinagdaraanan ko kaya ako umiiyak. Namatay ho kasi si Bobby, iyong alaga kong aso, eh, mahal na mahal ko ho 'yon. Siya po kasi ang nagpapangiti sa akin, maisip ko pa lamang siya sumasaya na ako. Pinapagaan niya din po ang loob ko kapag nalulunkot ako. Hindi ko ho matangggap na wala na siya." Mahabang paliwanag niya. Pinipigilan niya ang maluha pero parang may sariling buhay ang mga luha niya dahilan hindi niya makontrol iyon.

Bethsaida, The Bride-wannabeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin