132. HINDI PA 'BA SAPAT?

104 1 0
                                    

HINDI PA ’BA SAPAT?

Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko?
Ang ipaglaban ka sa maraming tao?
Ang mga pagsasakripisyo ko para sa'yo?
Hindi pa ba sapat ang piliin ka kesa sa pamilya ko?!

Ipinaglaban kita
Pinatunayan ko na sa akin ay karapat dapat ka
Ang mga taong humahadlang sa ating dalawa
Ipinaglaban kita kase mahal kita.

Pero ngayon, ano itong ginagawa mo?
Ginawa ko naman lahat para sayo
Hindi pa ba sapat? Hindi ba ako naging sapat para sayo?
Kaya iniwan mo ako at naghanap ka ng bago?

Sinuway ko ang mga magulang ko para sayo
Sinuway ko ang lahat ng payo saken ng mga tao
Nagawa ko iyon dahil nabulag ako sa pagmamahal mo
Ngayon, isa lang ang masasabi ko, 'isa kang malaking gago.'

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Where stories live. Discover now