47. PINAIKOT MO LANG PALA AKO

262 4 0
                                    

PINAIKOT MO LANG PALA AKO

Akala ko, mahal mo ako
Pero hindi pala
Akala ko, totoo 'yong pagmamahal mo
Pero hindi pala.

Hindi ko mawari kung ano ba ang mararamdaman ng puso ko
Gusto kitang saktan ngunit pagod na rin ako
Gusto kong isumbat kung paano mo nagawa sa'kin 'to?
Gusto kong isigaw sa harap nyo, bakit ako?!

Anong ginawa ko sa'yo para paglaruan mo lang?
Binigay ko ang lahat kahit pilit silang humahadlang
Pinaglaban kita sa mga magulang ko
Ginawa ko ang lahat para sa relasyon natin pero ito ang isusukli mo?

Pinaglaruan mo lang pala ako
Pinaniwala mo ako na ako lang walang iba!
Pinaniwala mo akong, ako ang mahal mo
Kahit ang totoo pala'y bukod sa'kin ay merong sya!

Pinaglaruan mo lang ako gamit ang mga salita mo
Mistulang dumadakdak ka ng mga pangakong nagmumukhang radyo
Masakit, sobrang sakit na makita mismo ng dalawang mga mata ko
Kung paano mo ako nagagawang lokohin, pawang ang mga mata mo ang mismong kasagutan sa mga sagot mo!

Pinaglaruan mo lang ako gamit ang mga salita
Salitang nagpaniwala sa akin na mahal mo ako at tayo ay masaya!
Salitang puno ng matatamis na pawang bulaklak na agad akong napaniwala
Yun pala ay hindi ako ang mahal mo kundi sya!

Ginamit mo ako yung ang katotohanang kailangan kong tanggapin
Hindi ko magawa dahil ikaw ang aking hangin
Nahihirapang huminga pagkat hindi mo ako nagagawang kausapin
Pero dahil wala na tayo at meron nang kayo, gusto ko paring isipin na babalik at babalik ka muli sa akin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Where stories live. Discover now