The Awooo Finale

6.2K 161 54
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

"Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal." -Richard Puz

After 7 months...

"Our first runner up for this year's painting competition is..."

Napapikit ako ng mariin. Pinagdaop ko ang aking mga palad at nag-usal ako ng panalangin.

"Please, please Lord ako sana iyong manalo! Ako sana please!"

"...is..." Shet naiihi na'ko! Pabitin naman oh!

"Andrew Sanchez!"

Iminulat ko ang aking mga mata at napasandal ako sa upuan. Hay, lupaypay...

"WHOOOA!"

Dumagundong naman ang sigawan at palakpakan ng mga estudyante sa loob ng coliseum. Ang saya nilang lahat tapos ako naman parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tama nga pala ang kasabihan na, Don't expect too much!

Napangalumbaba ako habang tinitignan iyong nanalo na nakangiti at nagselfie pa sa stage hawak hawak ang premyo niya. Gusto niyong malaman kung ano? Iphone 6 lang naman! Ang bongga diba! Ou, big time daw kasi iyong sponsor ngayong taon!

Huhuhuh bye bye iphone6!

Iyon lang talaga ang habol ko. Wala na'kong paki sa ibang premyo. Dinukot ko sa bulsa ng aking maong pants ang na-phase out kong cellphone, Nokia 1100.

"Well, I guess magsasama pa tayo ng matagal."

Tsk! Makaalis na lang nga.

"Hoy, Dominguez saan ka pupunta?" takang tanong ni Jenny habang kumakain ng burger. Waiting naman sa kabilang kamay niya iyong hotdog with bread. Take note, foot long hotdog pa! Busog lusog talaga 'tong friend ko. Walang sabing binuksan ko iyong coke in can na nasa tabi niya. Nag-aalala kasi akong baka bigla na lang siyang mabilaukan.

"Lalabas muna ako." Tipid na sagot ko saka sinukbit ang aking backpack.

"Maya na hindi pa nga na-announce iyong champion eh!" sabi ni Lauren na kasalukuyang pumapapak ng chichirya. Second at First runner up nga hindi ko nasungkit, Champion pa kaya?

"Aish! Wala na'kong pag-asa diyan! Hihintayin ko na lang kayo sa labas total patapos narin naman ang program."

"Okay." Duet na sagot ng dalawa.

Bago lumabas ng coliseum ay napalingon ako sa aking gawing likuran at laking gulat ko kung sino ang nahagip ng aking paningin.

TYRON? Sigaw ng utak ko. Dali dali akong naglakad palapit sa kanya. Narinig ko pa ang pagmura ng mga esudyanteng nababangga ko pero hindi ko na sila pinansin. This is a matter of life and death! Chooos lang!

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Where stories live. Discover now