Awooo 7

6.1K 153 15
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

AWOOO 7

Tagaktak na ang aking pawis at sa kasamaang palad ay hindi ko pa natatapos ang paglilinis ng music room. Bandang ala-sais na ng gabi at natitiyak kong kakaunti na lang ang mga estudyante at staff sa university. Pero kailangan ko itong tapusin alang-ala sa aking scholarship na possibleng manganib dahil sa mga violations ko.

Kasalukuyan kong nililinisan ang saxophone ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Scarlet kasama ang kanyang tatlong pussycat dolls. Para silang mga modelo na nakatayo sa pintuan at bawat isa sa kanila ay may dalang tig-isang balde. My brows turned into a v-line. Ano kayang trip ng mga malditang ito?

"Look oh! Malapit na niyang matapos iyong pinapagawa ni Mrs. Romero!" nakangising wika ni Scarlet sa mga bruhita.

"Anong ginagawa niyo dito?" inis kong tanong. Pakiramdam ko kasi ay may gagawin na naman siyang masama sa akin.

"Don't worry Zoey Dominguez, andito kami para tulungan kang mas mapadali ang iyong paglilinis. Tapos ko na kasing linisan ang basketball gym, so we're here to help you! Right girls?"

"Yes!" they all giggled.

Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan at tinanguan ang mga ito. Napangisi sila pagkatapos ay sabay sabay nilang isinaboy ang maputik na laman ng balde sa loob ng music room. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sobrang rumi at baho na ng silid. Mas malala pa ito kesa sa naabutan ko kaninang mga alikabok lamang.

"Now this requires rough cleaning..." Scarlet chuckled.

"Ang sasama niyo!" I yelled at them pero mas napangisi pa silang lalo.

Rumampa si Scarlet papunta sa'kin. She patted my cheek at napailing habang tumatawa.

"Don't mess up with Scarlet Dela Merced, darling. Tandaan mo iyan kung gusto mo ng tahimik na buhay dito sa university."

Itinapon nila ang mga balde sa gawi ko pagkatapos ay nag-walk out na sila.

"Btw, boyfriend ko nga pala ang gangster na tinamaan mo ng notebook kanina. So, take this as our sweet vengeance." Pahabol niyang sigaw mula sa labas.

Dinig na dinig ko pa ang malulutong nilang tawanan. Para naman akong maiiyak na hindi ko maintindihan. Halo halo na ang aking nararamdaman. Pagod. Inis. Galit. Gutom. At iba pang halos di ko na mawari.

Masiyadong malaki ang music room at iyong iilang instrument ay natalsikan pa ng putik.

Nasapo ko ang aking noo.

"Paano 'to." Naiiyak na wika ko habang nakatingin sa maruming paligid.

"Oh, bakit parang pasan mo ata ang mundo?" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Tyron. Bumulong lang naman kasi ang gago sa may bandang tenga ko.

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Where stories live. Discover now