Awooo 11

6.1K 140 31
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

Awooo 11

"Ayon kay PO3 Singson, boyfriend mo raw ang lalaking nasa sketch?" Tukoy ni SPO1 Castro sa lalaking gumuhit sa mukha ni Tyron.

Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa papel na ipinakita sa akin ni SPO1 Castro. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

"At ayon din sa statement mo, Tyron ang pangalan nitong lalaking nasa sketch. Napag-alaman namin na si Tyron Fuentebella at ang Tyron na tinutukoy mo ay iisa lamang." Aniya saka pinakita sa akin ang larawan ni Tyron. Itinabi niya ito sa sketch at magkahawig na magkahawig nga.

"Ilang taon na ba kayong magkasintahan, hija?"

"Ang-ang totoo ho niyan wa-wala naman po kaming relasyon. At hi-hindi ko ho talaga siya kilala noong siya'y nabubuhay pa."

Kumunot ang noo ni SPO1 Castro at inilapag ang mga larawan sa mesa.

"Ano ang ibig mo sabihin sa noong siya'y nabubuhay pa?"

"Hindi pa ho mag-iisang linggo nang magkakilala kami...kakalipat ko lang ho sa aking boarding house. Doon ko ho siya nakilala...bi-bilang isang multo."

Mas lalong nangunot ang noo ni SPO1 Castro. Napailing siya at napabuntong hininga.

"Mas makakabuti siguro kung bumalik kana lang dito bukas ng umaga. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo hija. Malakas ang ulan sa labas." Aniya na halatang hindi talaga naniwala sa mga sinabi ko.

Napatango na lang ako. Wala ring maitutulong kung ipagdidiinan ko na multo si Tyron nang magkakilala kami. Baka isipin pa nilang nasisiraan ako ng bait.

Malakas parin ang ulan nang makalabas na ako ng police station. Napagdesisyunan ko na lang na kumain muna sa isang fast food chain bago ako umuwi sa bahay. Umorder ako ng noodles dahil sa malamig na panahon. May tv sa karinderya kaya naaliw narin ako.

"Juice ko! Hindi pa pala nahuhuli iyong killer! Inilibing na naman niya ng buhay iyong bago niyang biktima!"

"Oh my gosh! Bilisan na natin ang pagkain at delikado ng magpagabi ng uwi ngayon!"

"Sinabi mo pa! Umuulan pa naman!"

Narinig kong usapan ng mga estudyanteng malapit lang sa table ko. Napahinto ako sa pagkain ng noodles nang may magsink-in sa utak ko!

Paano ba namatay si Tyron? At bakit andoon siya sa boarding house na tinutuluyan ko?

Agad agad kong kinapa ang libro sa aking backpack. At naghanap ng possibleng isasagot sa tanong na tumatakbo sa aking isipan.

"Where can I find a ghost? It is said to be in cemeteries, churches, dark and creepy places. But most of the time ghosts can be found in the places where they died, like hospitals or in the house. Or in any place where they finally bid goodbye to life."

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon