Awooo 9

6.4K 145 21
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

AWOOO 9

"Zoey, okay ka lang ba?" kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Nash nang i-angat ko ang aking paningin.

"I'm fine. Pasyensya na." Sagot ko habang pilit ko siyang nginingitian. Kanina pa inuukupa ni Tyron ang aking isipan. Nako-konsyensya kasi ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Napasobra ata ang aking bibig at nasaktan ko ang damdamin niya.

"Is there something bothering you?" Nash was looking straight into my eyes, pakiramdam ko ay mapapaso ako sa kung paano niya ako titigan. Mabilis kong iniwas ang aking tingin saka napailing.

"Wa-wala, Nash! O-okay lang talaga ako. Hehe!"

"Wait, may lagnat ka ba? Para kasing namumula ka?" aniya. Napahawak tuloy ako sa magkabila kong pisngi. Shet. Hindi ito lagnat, nagbu-blush ako!!! Waaaa!

"I'm sorry for asking you out. Mukha kasing masama iyong pakiramdam mo ngayon. Hatid na kita sa inyo? Para makapagpahinga ka-"

"Wala! - Wala akong lagnat hehe Okay lang ako. Kain na tayo."

"Are you sure?"

"Sure na sure!" masigla kong sagot sa kanya.

"Okay."

Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon ni Nash. Dapat nga magtatalon na ako sa tuwa dahil sa wakas natupad na ang matagal kong pinapangarap. Pero gulong gulo ang utak ko. Hindi ako mapalagay.

Bakit? Una dahil pakiramdam ko masyadong hindi makatao. I mean maka-multo ('coz he's not human) iyong mga sinabi ko sa kanya kanina. Pangalawa! Hindi ako marunong gumamit ng chopstick! Hahaha lols lang talaga!

Hayst, bakit ba kasi nasa huli parati iyong pagsisisi? Nash told me na ako na iyong pumili ng resto pero nag-insist ako na siya na lang. That's why I'm suffering right now! Naste-stress ako dito! Paano ba naman nasa kasi nasa isang Japanese Restaurant kami ngayon. Halos titigan ko lang iyong pagkain dahil sa kasamaang palad eh chopsticks lang iyong andito sa mesa namin. Nahihiya naman akong mag request ng kutsara at tinidor. Kung pwedi ko lang sanang kamayin iyong pagkain! Tsk!

Hayst, sana hindi na lang ako nag-inarte tapos sinabi ko na lang na sa Mcdo kami kakain or sa Jollibee. Iyon lang kasi ang alam kong fast food chain. Huhuhu

"Hindi mo ba gusto ang pagkain? I told you kanina na ikaw na ang pumili ng restaurant."

"No. Hindi sa ganoon. A-ano kasi sa sobrang sarap nung kaharap ko...este nung mga pagkain na nasa harapan ko eh parang nabusog na ako. Hehe" Langya! Nadulas ako dun ah!

"Hahahaha you don't like the food admit it. Pwedi naman tayong lumipat ng resto..."

"Hindi! Ganito kasi...Ano-ahhhh...Okay, aaminin ko na hindi ako marunong gumamit ng chopsticks. Hihihi"

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Where stories live. Discover now