Introduction

32K 547 234
                                    

---thank you @armynonon CameeledaArmy, ang ganda ng ginawa mong book cover! *hugs*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---thank you @armynonon CameeledaArmy, ang ganda ng ginawa mong book cover! *hugs*

Story Title: Ang Housemate Kong Mumu!

Genre: Humor / Fantasy / Teen Fiction / Paranormal

Written by: PlainVanillaGirl

Introduction (UNEDITED VERSION)

"Haunted House?"

Iyan ang una kong impresyon sa inirekomenda sa aking bahay nina Ate Dianne at Ate Agatha. Sila iyong mga wicked daughters ng aking Ninong Alejandro. Sumalangit nawa ang kaluluwa ng aking babaerong Ninong!

Simula pagkabata ay parati na nila akong inaaway at pinagtritripan. Hindi ko inaasahan na may maitutulong pala sila sa'kin ngayon. Naalala ko pa iyong matatalim na tingin nila habang binabasa ng abogado ang last will and testament ni Ninong. Ang pagsigaw ni Dianne ng pokpok raw ang Nanay ko dahil naging kabit daw ito ni Ninong. Ang pagmura ng putang ina ni Agatha ng malamang 100, 000 pesos ang ipinamana sa'kin. Lalo na ang duet na sigaw nila ng 'Anak sa labas!' na pawang wala namang katotohanan.

Sinaniban ata ng anghel ang dalawa kaninang umaga ng ibalita nila sa akin na may nahanap na daw silang paupahang bahay na pansamantala kong titirhan habang nag-aaral ako sa kolehiyo. Inasikaso na nila halos lahat lahat. At ang tanging naging parte ko na lang ay ang 20,000 pesos na siningil nila sa'kin bilang kabayaran daw sa isang school year kong pananatili roon. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa Frankenstein University, isang unibersidad na tatlong oras ang guguling biyahe mula sa bahay ng mga Montevilla.

Walking distance lang ang university mula sa boarding house. Bukod doon may malapit rin na hospital, palengke, police station at simbahan kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit may pagkakaiba ang bahay na nasa harapan ko ngayon kesa sa nakalagay sa diyaryo. Mukha kasi itong haunted house mula sa labas o baka naman guni-guni ko lang iyon dahil sa kakapanuod ko ng mga horror movies.

Tinignan ko ang kapirasong diyaryo na hawak hawak ko, dun daw kasi nakita nina Ate Dianne at Ate Agatha ang advertisement ng House for Rent. Kung hindi ako nagkakamali ito rin iyong diyaryong ipinambalot sa binili kong daing at sardinas noong nakaraang linggo.

Lumapit ako sa gate at pinindot ang doorbell na nasa bandang gilid. Nakaka-limang pindot na'ko pero wala paring nagbukas ng gate. Di kaya nabagot na sa kakahintay sa'kin ang landlord? Napatingin ako sa aking wristwatch, 4:30 pm pa lang at labing limang minuto pa lang ang delay ko sa usapan. Paalis na sana ako kanina ng bigla nila akong utusan na plantsyahin ang mga uniporme nila kasi dayoff daw ni Inday, iyong nag-iisang katulong sa bahay ng mga Montevilla.

"Tao po!" sigaw ko at malakas na kinatok ang gate. Maya maya lang ay may narinig akong tunog ng pagbukas ng gate mula sa loob. Bahagya itong bumukas pero wala namang lumabas upang batiin ako.

"Tao po?" sumilip ako sa siwang. Medyo naaalangan pa akong pumasok sa loob dahil baka bigla na lang may asong tumahol at sumakmal sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napagpasiyahan na pumasok na sa loob. Bitbit ang aking malaking travelling bag at dalawang backpacks ay pumasok na ako.

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon