Awooo 6

6.8K 162 37
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

AWOOO 6

Ilang beses kong nilinis ang salamin gamit ang aking panyo. Ilang beses ko ring kinusot kusot ang aking mga mata. At ilang beses ko ring pinatay sindi iyong ilaw sa loob ng dressing room. Hindi kasi ako makapaniwala sa repleksyon na aking nakikita. Ako ba talaga 'to? Nagmukha akong tao sa suot kong blue casual dress.

Chiffon polka dots ang blouse na blue and beige ang color combination. Kapag tumalikod ako ay makikita mo iyong blue ribbon ng blouse at medyo exposed ang aking likuran dahil dun. Buti na lang at mahaba iyong aking buhok kaya naitago ko ang aking bacne! Hihihi

Kulay blue rin ang aking above the knee na palda. Credits sa kalamansi kaya hindi masyadong maitim iyong tuhod ko.Hihihi Waaaa! May brown belt din sa aking beywang. Gosh, akala ko sa maong pants lang pwedi iyong belt?

Isang cute na brown doll shoes ang kapares ng aking dress. CLN ang tatak na nakikita kong nakalagay sa sapatos. Wala naman akong alam sa brand dahil brandless akong tao. Hihihi Mahal kaya 'to? Hayst, makapaganda na lang nga!

Sinuklay ko ulit ang aking lampas balikat na buhok. Naglagay ako ng johnsons baby powder at dahil hindi naman ako mahilig sa lipstick ay kinagat kagat ko na lang aking lips para pumula.

Para akong sira na umiikot ikot sa loob ng dressing room at minsan ay napapahinto upang tignan na naman ang aking repleksyon sa salamin.

"Maam, buhay pa po ba kayo diyan? Dalawang oras na po kasi kayong nasa loob ng dressing room?" tanong ng baklang sales lady? Sales boy? Ahhh basta!

Dali dali akong lumabas at nakita kong natutulog na sa may couch si Nash. Ei? Ang tagal ko pala talagang lumabas?

"Ang gwapo naman ng boylet mo girl.." bulong ng beki sa'kin. Namula ako sa mga sinabi nito. Magdilang anghel ka sana te! Hihihi

"Na-naku, hindi ko naman siya boyfriend hehehe."

"Hindi mo siya boylet eh ano mo siya?" Napaisip tuloy ako. Ano ko nga ba siya?

Tinitigan ko ng mabuti si Nash. "Knight and shining armor..." wala sa sariling sabi ko.

"Hahahaha! Lakas ng tama mo girl..." Napahawak tuloy ako sa aking bibig. Shet! Bakit ko ba nasabi iyon? Kakahiya!!!

Iniwan na ako ng beki habang ako ay nakatitig lang ke Nash. Ang gwapo niya talaga habang natutulog. Tumalon ang puso ko ng bahagya siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata.

"Zoey...?" Ngayon ko lang na-appreciate kong gaano kaganda iyong pangalan ko. Hehe

Pero teka, paano niya nalaman ang pangalan ko? Dalawang beses na kaming nagkita pero hindi parin niya naitatanong ang aking pangalan.

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon