Awooo 13

5.6K 131 59
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION

AWOOO 13

Ilang araw na ang nakakaraan mula nang mabigyan ng disenteng libing si Tyron. Hindi ko inakala na iyon na ang araw na huling beses ko siyang makikita. Umuulan ng malakas ng araw na iyon. Sinamahan ako nina Lauren at Jenny. Andun din ang ilang mga estudyante at guro na nakikiramay sa pagdadalamhati ng pamilya Fuentebella.

Nakatayo siya noon sa hindi kalayuan at nakatanaw lang sa'min. Kitang kita ko ang pagdadalamhati sa mukha niya. Hindi nakayanan ng Mommy ni Tyron ang mga eksena kaya nawalan ito ng malay bago paman matapos iyong burial ceremony. Bakas din sa mukha ni Nash ang labis na kalungkutan sa sinapit ni Tyron. Ramdam kong mahalaga si Tyron sa kanya kahit hindi naman sila magkadugo. At batid kong ramdam din iyon ni Tyron.

Noong isang araw ay pinuntahan ako ng Mommy ni Tyron at nagpasalamat siya sa'kin dahil sa wakas ay natagpuan na nito ang anak na matagal na niyang hinahanap. Ngunit masakit dahil sa ganung paraan pa.

"Zoey!" naputol ang pagde-day dream ko nang umupo sa harapan ko sina Lauren at Jenny.

"Bakit ngayon lang kayo? Alam niyo bang hinanap kayo sa'kin ni Mr. Salvador?" tukoy ko sa aming Algebra professor.

"Hayst, huwag ka ngang parang matrona diyan! Pikit mo munang mata mo dali!" Masiglang sabi ni Jenny. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" iritabling tanong ko.

"Basta! Sige na dali dali!" pangungulit ni Lauren.

"Okay fine!" nakasimangot na ipinikit ko ang aking mga mata. Ano na naman kayang kalokohan ang balak ng mga ito.

"Okay! Open your eyes, Zoey!" dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata.

"Happy 17th birthday Zoey Dominguez!" duet na tili nung dalawa habang hawak hawak nila iyong unan na may nakaprint na picture ni Nash. Nanlaki ang mga mata ko. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakatingin sa'min ang lahat ng mga estudyanteng nasa cafeteria.

Kaagad kong hinila iyong unan at tinago sa aking backpack. Langya talaga 'tong dalawang ito oh! Teka, birthday ko pala? Seryoso?

"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo namin?" nakapout na tanong ni Jenny.

"Baka kasi makatulog ka na ng mahimbing kapag iyan ang unan mo! Hehehe Umabsent pa kami sa Algebra subject para ipa-personalized iyong unan!" pakonsyensya naman ang mga ito.

"Aish! Bakit kayo nag-absent para lang dito?" inis na napakamot ako sa aking ulo.

"Napapansin kasi naming hindi ka nakakatulog ng mabuti. Parati kang wala sa sarili." Nag-aalalang tanong ni Lauren.

"Zoey?"

"Naku! Sorry pasyensya na kayo. Hehehe Salamat ha! Di bale ililibre ko kayo mamayang dinner!"

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Where stories live. Discover now