"Gumawa ng project saka thesis proposal. Naka-uno ako," I grinned at her.
"Wow naman, ikaw na may uno."
"Syempre, inspired ako eh," I kissed her forehead. "Nag-promise ako sa'yo saka kila Mama na magseseryoso na ko."
"I'm so proud of you," she tightened her arms around me. "Ang galing ng Prince ko."
"Syempre, I want to be worthy of you Goddess," I stroked her cheek.
"Ano ka ba, you're worth it Prince. Kahit hindi ka maka-uno or top of the class, proud ako sa'yo saka love kita."
I smiled and kissed her brow, "kaya tanggalin mo na 'to, please?" She gave me a hopeful look but I just shook my head.
"No." She pouted at me. Grabe, parang bata talaga 'tong girlfriend ko. But I love her all the more... I love her innocent ways, her honest reactions, and her simplicity.
I smoothed the frown on her forehead with a fingertip. "Gusto ko gumaling ka na agad baby. Ayokong nahihirapan ka." I took her temperature.
"Mmm... kaya kita love eh," she snuggled closer. Nabawasan na yung init niya at mukhang mas masigla siya kaysa kaninang pagbaba namin sa bus. I put the thermometer on the side table and rearranged our position on the bed. I want her to be as comfortable as possible. Si Aya yung tipo na mahina sa lamig at ang bilis sipunin.
"Baby, tago ko muna yung food ha." Nagpaalam ako sa kanya bago tumayo. Sayang naman kasi yung pagkain na niluto ko para sa dinner namin kung masisira lang. Saka parang wala na rin akong gana kung mag-isa lang ako kakain.
"Di ka pa kakain?" She asked.
I shook my head, "hindi na siguro. Bukas na lang para sabay tayo."
"Baka magutom ka. Okay lang naman ako dito. Magpapahinga na lang muna ako." She assured me.
"Gusto ko kasabay kita. Niluto ko 'yon for the two of us so gusto ko sabay tayong kakain." She got up and hugged my middle. "Kaya pagaling ka na baby kasi gusto ko matikman mo yung food na prinepare ko." She buried her face on my chest and nodded eagerly.
"Grabe ka, eto magpapagaling na nga," she grimaced and pinched my cheek.
---------------
I closed the door of my bedroom with a sigh after I put Aya back on the bed. Gusto niya akong samahan na magligpit pero sabi ko magpahinga na lang siya. I know na na-gui-guilty siya pero alam ko rin namang hindi niya sinadyang magkasakit.
I made quick work of cleaning up everything and putting the food in containers para pwede pang kainin bukas. Baka ipauwi ko na lang kay Goddess then punta ako ng maaga sa kanila bukas para sabay kaming makapag-breakfast.
I was busy putting away the dishes when my phone rang. Si Mama, tumatawag.
"Hi Ma," I answered her quickly. Ang matampuhin ni Mama lately kaya ayokong mainis na naman siya kaagad.
"Prince, anak, kamusta?"
"Okay lang Ma, nagliligpit lang ako ng mga pinggan." Tinuyo ko lahat ng pinggan bago inilagay sa paminggalan.
"Hindi ka na naman umuwi dito. Wala ka ng oras sa amin," may hinampo ang boses niya.
"Hindi po ganon Ma, next week uuwi ako diyan para sa birthday ni Papa." I sighed. Eto na naman tayo. Alam ko na ang susunod na litanya ni Mama.
"Prince, baka naman mamaya isama mo pa dito si Aya." I had to suppress a groan. Ano ba naman itong si Mama, hanggang ngayon di pa rin makalimutan yung nangyari kahit ilang beses ko ng in-explain na wala namang kasalanan si Goddess.
BẠN ĐANG ĐỌC
It Started in the Library (Completed and Editing)
Lãng mạnHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
Chapter 46: Gathering Storm
Bắt đầu từ đầu
